Youth essay writing contest ng APCU simula na

Sa pormal na paglulunsad ng Youth Essay Writing Contest ng Association for Philippines-China Understanding (APCU), pinangunahan ito nina (mula sa kaliwa) Lt. Col. Bernie Miaque, APCU Membership Committee Chairman; Mafee Hung-Cai, APCU Youth Committee Chairman; Sixto Benedicto, APCU President; at Wilson Lee Flores, APCU NCR Vice President. (Kuha ng Bilibb)

Sa ilalim ng temang “Role of Filipino Youth in Promoting Philippines-China Understanding”, inilunsad ng Association for Philippines-China Understanding (APCU) ang Youth Essay Writing Contest itong Huwebes ng umaga sa layuning kilalanin ang kahusayan ng mga kabataan hinggil sa kanilang kaalaman at saloobin sa konsensuwal na koneksyon ng Pilipinas at China.

Ang APCU ay isang pioneer at nangungunang non-government organization sa bansa na nagsusulong sa people-to-people diplomacy sa pagitan ng Pilipinas at China. Nag-oorganisa ang APCU ng kultural, pag-aaral at mga palitan ng pagbisita. Pinadadali rin nito ang kapatirang koneksyon sa pagitan ng mga local government unit ng dalawang bansa.

Mechanics ng APCU Youth Essay Writing Contest

Sa naturang kompetisyon, ang pagsusumite ng mga likha ay sinimulan noong Pebrero 13 at magtatapos sa Marso 3, 2023 ng tanghali.

Iaanunsyo ang mga magwawagi sa Marso 3, 2023.

Ang magiging panel of judges dito ay sina Herman Tiu Laurel, Wilson Lee Flores, Lt. Col. Bernie Miaque, Prof. Anna Malindog-Uy, at Adolfo Quizon Paglinawan.

Para magrehistro, punan ang kinakailangang impormasyon at isumite. Para sa detalye, tawagan ang APCU sa 09480079489. Ang lahat ng essays ay dapat isumite sa email sa apcu1974@gmail.com o apcusecretariat@apcu.org.ph

Kaugnay din ng aktibidad na ito, magkakaroon din ng APCU Golf Tournament. Ito ay gaganapin ng umaga ng Marso 19 sa The Cliffs Golf and Beach Resort Club, Thunderbirds, San Fernando City, La Union.

May mabibiling tickets para sa golf players sa halagang P3,500 kung saan kasama na rito ang green fee, cart, raffle items, prizes at dinner.

Ang proceeds sa tournament na ito ay gagamitin para masuportahan ang mga premyo ng APCU Essay Writing Contest.