Weichai products maasahan sa paglago ng negosyo, ekonomiya

Pormal na ipinakilala ang Top Weichai Products sa The Legacy Trucks and Tractors Inc. sa Balintawak, Quezon City itong Marso 10, 2023.

Sa showroom na ito ay ipinaliwanag ang husay ng heavy equipment at machinery ng Weichai Holding Group Co., Ltd.  tulad ng power generator, excavator, grader, forklift, roadroller, wheel loader, hydraulic excavator, at iba pa. Ang mga produkto nila ay hindi lamang pang construction machinery kung hindi pang industrial at agriculture.

Ipinaliliwanag ng general manager ng The Legacy Trucks & Tractors Inc. na si Alexander Hernandez ang top Weichai products na nasa kanilang showroom.

Sa mahigit 70 taon ng Weichai sa industriya, solido na ang tiwala ng mga tao sa kanilang pangalan kung kaya malaki na rin ang kanilang kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng iba’t ibang bansa. Ang mga produktong Weichai na nabanggit ay makatutuwang ninyo sa pagsisimula ng inyong negosyo hanggang sa maayos na productivity nito dahil sa maaasahang kalidad na nasa abot-kaya ang mga presyo. Mula sa efficiency ng mga produkto, reliability, comfort at serviceability ay tiyak na walang pangamba na magagawa ninyo ang inyong misyon sa paghahanapbuhay.

Ang Weichai Holding Group Co., Ltd. ay itinatag noong pang 1946 at mayroon nang mahigit sa 100,000 empleyado sa buong mundo.

Kilala sa kanilang mataas na kalidad at serbisyo, ang Weichai ay may subsidiaries sa Europe, North America, Asia, kabilang ang Pilipinas. Ang kanilang mga produkto ay exported sa mahigit 110 bansa. Kilala rin ang pangalang ito bilang ika-31 sa top 500 manufacturing enterprises ng China.

Weichai WL860K

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa www.legacytrucks.com.ph Maaari ring makipag-ugyanan sa account manager ng The Legacy Trucks & Tractors Inc. na si Teodorico Hosena sa 09055484946 / 09634339240 / 09915218782 para sa detalye ng Weichai na mga produkto.

Weichai WL35D