‘Walking pneumonia’ nakapasok na sa Pinas

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may apat nang kaso sa bansa ng Mycoplasma pneumoniae o mas kilala sa “walking pneumonia.”

Ang local cases na ito ay kasunod ng mga ulat ng pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng nasabing sakit sa China.

Sinabi ng DOH na ang tinamaan ng “walking pneumonia” sa bansa ay nagkaroon ng influenza-like illness. Ito ay nangyari noong Enero, Hulyo, at dalawa noong Setyembre.

“As of November 25, 2023, there are a total of four confirmed cases of Mycoplasma pneumoniae infection among reported Influenza-like Illness cases,” pahayag ng DOH.

Nilinaw din ng ahensya na ang mga tinamaan ng sakit ay naka-recover na.

Pinapayuhan din ang publiko na maging maingat upang hindi mahawaan ng “walking pneumonia” sa pagsunod sa minimum health standards. Gawin ito sa regular na paghuhugas ng kamay, mag-social distancing, at magsuot ng face mask.