Walang Pasok: Kasadong jeepney strike sa Oktubre 16

(updated story)

Kaugnay ng kasadong nationwide jeepney strike sa Oktubre 16, sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan ang pasok sa ilang mga paaralan.

May mga local government units (LGUs) at paaralan ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa kanilang mga lugar  tulad ng mga sumusunod:

 

LGUs

Laguna: Cabuyao, Calamba, Sta. Rosa – face-to-face classes sa lahat ng antas, pribado o pampubliko; itatakda ang klase online

Pampanga: (Oktubre 16, 17) face-to-face classes sa lahat ng antas, pribado o pampubliko; itatakda ang klase online

 

Mga paaralan

– Adamson University – (Oktubre 16, 17) lahat ng antas; klase tuloy online

– De La Salle University Manila – klase at trabaho; klase tuloy online

– Far Eastern University Manila at Makati: on-site midterm consultation tuloy online

– FEU High School: classes to be conducted through Canvas

– Lyceum of the Philippines University Manila: klase tuloy online

– National University Manila; klase tuloy online

– National University-Nazareth School: klase tuloy online

– San Beda University – Rizal at Manila campuses: Integrated Basic Education Department level tuloy ang klase online

– San Sebastian College – Recoletos Manila: grade school at junior high school klase tuloy online

– University of the East – Caloocan at Manila campuses: lahat ng antas; klase tuloy online

– University of Santo Tomas: klase at trabaho; klase tuloy online