Walang pasok: Enero 9 sa Maynila

Idineklara ng Malacañan na isang special (non-working) day sa lungsod ng Maynila sa Martes, Enero 9, 2024 bilang selebrasyon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Ang kautusang ito ay nilagdaan sa ilalim ng Proclamation 434 upang ang mga deboto ng Poon ay makibahagi sa nasabing taunang pagdiriwang.