Walang pasok: Disyembre 27 sa Dumingag, Disyembre 29 sa San Pedro

Idineklara ng Palasyo ng Malacañan na special non-working day ang Disyembre 27, 2023 sa Dumingag, Zamboanga Del Sur. Ang petsang ito ay kaugnay ng anibersaryo ng pagkakatatag ng munisipalidad. Ginawa ang deklarasyon ng holiday sa bisa ng Proclamation No. 390.

Samantala, sa bisa ng Proclamation No. 415 ay itinalaga na isa ring special non-working day ang Disyembre 29, 2023 para sa lungsod ng San Pedro sa lalawigan ng Laguna. Ito ay kaugnay ng kanilang ika-10 anibersaryo ng pagkalungsod.