Vanessa Wing ng Guimaras bet sa Miss Universe Philippines

Si Vanessa Mella Tse Wing ng Guimaras Province, ang kandidata para sa Miss Universe Philippines 2023. (Kuha ng Miss Universe Philippines)

Inanunsyo kamakailan ang top 40 official candidates ng Miss Universe Philippines.

Magkahalong pageant newbies, single moms, modelo at fresh graduates ang komposisyon ng mga napiling kandidata.

Isa sa namumukod-tanging kandidata si Vanessa Mella Tse Wing ng Guimaras Province. Bukod sa kanyang outstanding physical attributes na given naman na sa lahat ng aspiring beauty queens, higit na mapapahanga ka sa kanyang solid academic credentials at community involvement. Ito ang ilan sa mga katangian na hinahanap ng mga bagong may-ari ng Miss Universe Pageant. Samantala, inspiring and transformative leadership qualities naman ang hanap din na mabibilang lang sa karamihan ng mga kandidata.

Vanessa Mella Tse Wing (Vanessa Wing Glam Shot)

Si Vanessa ay half Filipina/Chinese mestiza na may taas na 5’9 at nagtapos ng magna cum laude noong 2016 na may Bachelor’s Degree in Environmental Management sa Central Philippine University. Mayroon din siyang Post Graduate Diploma in Urban and Regional Planning sa University of the Philippines Visayas. Isa rin siyang consistent top 1 dean’s lister mula 2012-2016, full merit CHED scholar noong 2012-2016, senator sa Central Philippine University Republic at Outstanding Alumna of Central Philippine University.

Sa larangan ng beauty pageant, nasali na rin si Vanessa sa ilang local pageants tulad ng Miss Silka, Miss Black N’ White 2012 and Miss Paraw Regatta. Matapos nito ay nagpahinga muna siya ng anim na taon sa pageantry at tumutok sa kanyang pag-aaral, nangolekta ng karanasan at kuwento ng buhay. Ang mga karanasang ito ang nagbigay sa kanya ng motivation at mag-excel sa lahat ng larangang kanyang susuungin.

Bilang consultant ng Environmental at Social Safeguard ng Department of Agriculture, may malawak siyang pakikipagsalamuha sa mga magsasaka at fisherfolks, marginalized na sektor ng lipunan. Bitbit niya ang advocacy, boses at kapakanan ng mga sektor ito upang mapakinggan ang kanilang concerns sa mas malawak na plataporma.

Si Vanessa Mella Tse Wing kasama ang local officials ng Guimaras Province sa kanyang Courtesy Call kamakailan. (Kuha ni pageant handler Cer Ayeh)

Bumisita kamakailan para sa isang Courtesy Call si Vanessa kay Guimaras Governor Hon. Rahman Nava and Former Gov. and Municipal Mayor Hon Samuel Gumarin ng Municipality of Buenavista Guimaras. Ito ay matapos siyang mapiling official candidate ng Miss Universe Philippines 2023.

Sa kanyang ganda, talino, malasakit at commitment sa mga marginalized na sektor, hindi makakaila na na kay Vanessa Wing ang mga katangiang hinahanap na susunod na Miss Universe Philippines. Kayang-kaya niyang makipagsabayan sa pageant veterans ng patimpalak – phenomenal, inspirational at transformative leadership na mga katangian ay nasa kanya.

Good luck Vanessa Mella Tse Wing mula sa Bilibb!

Maraming salamat kay Cer Ayeh, Pageant Handler sa mga information materials sa feature article na ito.