Vanessa Hudgens: Global tourism ambassador ng Pinas

Si Filipino American Vanessa Hudgens na kinilala bilang global tourism ambassador ng Pilipinas noong Marso 30, 2023. (Kuha ng Presidential Communications Office)

Hinirang ng pamahalaan si Filipino American Vanessa Hudgens bilang global tourism ambassador ng Pilipinas noong Marso 30.

Kauna-unahang Hollywood actor si Hudgens para sa naturang titulo na may kaugnayan sa pagsisikap ng pamahalaan na isulong ang turismo at ekonomiya ng bansa.

“It’s a little bit of everything! It’s a lot of a bit of everything! It’s got paradise, it’s got metropolitan city. It’s got kindness. Everybody’s so warm, so friendly. The people here are very unique. Everyone is just so warm! I feel like I haven’t met anyone who seems having a bad day. The hospitality is unmatched. It’s got wonder and is really a magical place!” ayon sa 34 anyos na si Hudgens sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa isinagawang Manila press conference noong Marso 31.

Pinili si Hudgens para sa titulo dahil siya ay may napakalaking followers sa Instagram (49 million), Twitter (6.5 million), Facebook (17 million) at YouTube (239,000).

Si Hudgens ay kilala sa pelikulang Thirteen 2003 at sa kanyang pagganap bilang Gabriella Montez sa serye ng pelikulang “High School Musical” noong 2006 hanggang 2008.

Ang paggawad ni Pangulong Ferdinand Marcos kay Filipino American Vanessa Hudgens bilang global tourism ambassador ng Pilipinas noong Marso 30, 2023. (Kuha ng Presidential Communications Office)

Dumating sa Pilipinas si Hudgens noong Marso 25 para sa paglikha ng isang documentary film sa paglalakbay tungkol sa kanyang pinagmulan bilang Pilipino. Ang aktres ay isinilang sa isang Pilipino na ina at isang Amerikanong ama.

Ang documentary film ay magtatampok sa kagandahan ng turismo ng Intramuros at National Museum sa Maynila at El Nido sa Palawan.