Usaping kooperasyon sa turismo pinasimulan ni Frasco sa Italy

Ang pakikipagpulong ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco (gitna) hinggil sa Memorandum of Understanding sa turismo sa pagitan ng Pilipinas at Italya. (DOT)

Nagsagawa ng courtesy visit si Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco noong Nob. 10 sa Office of the Italian Minister of Tourism, Her Excellency (HE) Daniela Garnero Santaché, upang talakayin ang ugnayan ng turismo sa pagitan ng Pilipinas at Italya, at upang mabuo sa pinakaunang pagkakataon ang isang Memorandum of Understanding sa turismo sa pagitan ng dalawang bansa.

Binati ni Frasco si Santaché para sa kanyang fresh term bilang pinuno ng Ministry of Tourism sa Italya, na nagsimula noong Oktubre 2022.

“Please accept our warmest congratulations on your assumption of the new government, as well as your assumption as Ministry of Tourism. We recognize your country to be a very important partner for the Philippines in many aspects. We celebrate 75 years of our official relations, and we share with you a love for many things Italian,” ani Secretary Frasco.

“In 2019, we welcomed almost 40,000 Italians into the Philippines as tourists. We are very interested in increasing that number,” dagdag pa niya.

Ang pakikipagpulong ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco hinggil sa Memorandum of Understanding sa turismo sa pagitan ng Pilipinas at Italya. (DOT)

Sa partikular, gumawa ng panukala ang pinuno ng ating turismo na magpasok ng Memorandum of Understanding sa Italian Minister of Tourism. “We would be very interested and happy to enter into a Memorandum of Understanding on tourism cooperation among our two countries and ministries, recognizing that we could work together to mutually develop,” ani Frasco.

Naging bukas at positibong tinanggap ni Santaché ang imbitasyon ni Frasco na gumawa ng kasunduan sa turismo.

“We would like to continue the collaboration that our two countries have before. Also, [from the level of the Minister of Tourism of Italy and Philippines], we share the interest that you shared to have a Memorandum of Understanding of trying to have coordination,” ani Santaché.

Sa partikular, ang dalawa, ay tumitingin sa posibleng koordinasyon ng turismo sa cross-promoting dive sites sa Roma at Pilipinas, pagpapataas ng accessibility sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng direktang flights sa pagitan ng dalawang bansa, at pagbibigay ng tulong sa pagsasanay sa wikang Italyano sa mga manggagawang Pilipino sa turismo.

Listening Session sa Roma

Sa pag-maximize ng kanyang opisyal na misyon sa ibang bansa bilang pinuno ng matagumpay na delegasyon ng Pilipinas sa World Travel Market 2022 London, ipinagpatuloy din ni Frasco ang kanyang listening session sa Roma, Italya na may layuning pahusayin ang mutual travel exchange sa pagitan ng Pilipinas at Italya sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng bago at umiiral na pakikipagsosyo sa Italian travel and tourism players.

“The Italian market is a very important source market for the Philippines,” saad ni Frasco.

Kamakailan ay nagsagawa ng isang courtesy visit si Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco (kaliwa) sa Italya kung saan tinalakay niya ang kooperasyon sa turismo kay Italian Minister of Tourism Daniela Garnero Santaché. (DOT)

“A wave of optimism has taken over our country, considering that our government has identified tourism to be a top priority agenda and as a major economic pillar for our resurgence,” dagdag pa nito.

Sa pagpupulong, naroon ang mga representante mula sa aviation sector, media, travel and tours sectors, at diving community.

Tiniyak ni Frasco sa mga dumalo, na sinisikap ng gobyerno ng Pilipinas na gawing mas maginhawa ang paglalakbay sa bansa para sa mga internasyonal na turista sa pamamagitan ng mga pagpapabuti sa imprastraktura tulad ng pagpapahusay ng mga internasyonal na paliparan, patuloy na negosasyon sa mga airline para ibalik ang mga nahintong ruta.

Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco. (DOT)

Bilang pasasalamat sa mga stakeholder ng turismo ng Italya para sa kanilang mga mungkahi at pananaw, sinabi ni Frasco, “We’ve noted all of your valuable insight because our desire is really to continue to improve the conditions in the Philippines to be able to encourage more people to come into the country.”

Kabilang sa mga Italian stakeholder na dumalo ay ang Alpitour, Cathay Pacific, Emirates, Go World, Guidda Viaggi, H20, KeL 12, L’Agenzia di Viaggi, Nautica, Travel Quotidiano, TTG Italia, Turismo & Attualita, Qatar Airways, VIA Viaggi sa Avventura, at Viaggi del Mappamondo.

Kasama ni Frasco sa mga pagpupulong sina Embassy of the Philippines in Rome Chargé d’Affaires Nina Cainglet at Vice Consul Nadine Morales, at DOT Undersecretaries Shahlimar Tamano at Verna Buensuceso.