Uri ng mga asin at nutrisyon nito

Isa rin ba kayo sa nalilito kung ano ang rock, table, at sea salt?

Ang asin ay araw-araw nating kinokonsumo at hindi mawawala ito sa mga pagkain. May iba’t ibang klase ng asin na nagbibigay nutrisyon.

Mayroong 12 uri ng asin sa mundo ngunit tatlo ang pinakapangkaraniwan sa mga ito.

Table salt

Ang puting asin na karaniwang nasa saltshaker ay ang table salt – fine crystals ang mga ito. Ang uri ng asin na ito ay karaniwang kinukuha mula sa mga deposit ng asin sa ilalim ng lupa, sinasala upang alisin ang mga mineral at dumi, at pinatibay ng mga anti-caking substance.

Kabilang sa anti-caking agents na ito ay ang silicon dioxide, magnesium carbonate, at sodium aluminosilicate. Isang kasanayan ito na na nagsimula sa Amerika noong 1920s dahil sa laganap na kakulangan sa iodine. Ang goiter ay isang sakit ng kakulangan ng iodine.

Sea salt

Ang sea salt ay tumutukoy sa asin na nilikha kapag ang tubig sa karagatan o tubig-alat na lawa (saltwater lakes) ay sumingaw o nag-evaporate. Ito ay nagpapanatili ng mga trace mineral at may mas kaunting pagproseso kaysa sa table salt. Ang mga sangkap na ito ay nagbibigay ng lasa at kulay ng pagkain. Maaaring makakuha ng asin sa dagat sa anyo ng mga kristal o maliliit na butil.

Kumpara sa rock salt, mas may lasa ang sea salt mula sa mga bakas na bitamina at mineral.

Madalas na may pagkukumpara sa table salt at sea salt ngunit ang mga ito ay may parehas na pangunahing nutritional value. Ito ay may parehas na dami ng sodium ayon sa timbang.

Rock salt

Iba rin naman ang rock salt (halite). Matagal nang ginagamit ang rock salt sa maraming aplikasyon na walang kinalaman sa pagluluto, ngunit halos magkapareho pa rin ito sa table salt.

Ang parehong sinaunang Egypt at sinaunang China ay gumagamit ng rock salt upang mapanatili ang kanilang mga mummy. Nagsilbi itong pera sa sinaunang Greece at ginamit upang bayaran ang mga sundalo sa sinaunang Roma.

Egyptian mummy

Samantala ang Himalayan pink salt at Himalayan black salt ay mga uri ng rock salt.

Hindi dumaan ang asin na ito sa prosesong mayroon ang table salt. Samakatuwid ang rock salt ay unrefined version. Mas maraming minerals ang rock salt.

Ang hitsura nito ay puti na malalaking crystals at ito ay mas mura.

Ang rock salt at sea salt ay parehong mahalaga pagdating sa nutrisyon at kemikal. Ito ay kasing alat din ng sea salt. Iba-iba ang paraan ng pagkolekta ng asin. Ang rock salt ay simpleng asin mula sa karagatan na nakabuo na ng bato. Ang sea salt ay nagmumula sa karagatan matapos sumingaw ang tubig.

Ang rock salt at sea salt ay parehas na may kaunting dami ng zinc, copper, iron, manganese, potassium, calcium, at copper.

Upang maunawaan ang asin na dumaan sa refining process – tulad ng table salt – ay nawawalan ng calcium, potassium at iba pa.

12 uri ng asin

1- Himalayan pink salt. Pink ang kulay nito dahil sa dami ng iron oxide na narito kabilang pa ang 84 natural minerals.

2- Himalayan black salt. Madalas gamitin ito sa Indian na mga lutuin. Ang kulay nito ay nagmumula sa mga mineral habang ang matapang o masangsang na amoy nito ay dahil sa sulfur o asupre.

3- Sea salt. Malalaki at may flaky na butil na nagmula sa boiling seawater hanggang sa maging crystal.

4- Table salt. Tinatawag itong na all-purpose seasoning.

5- Flake salt. Nakukuha rin sa evaporated sea waters. Mababa ito sa mineral at may iregular na hugis ito na parang pyramids at magaan.

6- Rock salt. Ginagamit sa ice cream, pasta. Sa tamang konsumo, ang rock salt ay may dalang mineral at bitamina na nagpapabuti sa panunaw, nagpapaganda ng pagdumi, at tumutulong upang linisin ang mga nakalalason na produkto mula sa bituka.

7- Kosher salt. Kalasa nito ang rock salt ngunit mas madaling matunaw sa tubig at may kaunting iodine kumpara sa table salt.

8- Fleur de sel / Fiore di cervia. Ang fleur de sel ay salitang Pranses at Italian na ang ibig sabihin ay flower of salt. Ito ay tinatawag ding Celtic sea salt dahil ito ay inaani sa mababaw na evaporation pools. Dahil hindi ito pinoproseso, naglalaman ito ng iba’t ibang uri ng nutrients at mineral.

9- Gray salt. Iba pa ito sa unang nabanggit. Ang kulay abong kulay nito ay dahil sa mga mineral na naiwan kapag sumingaw ang seawater.

10- Black Hawaiian Lava salt. Iito ay nalilikha kapag ang tubig-dagat ay sumingaw sa mga pool sa mga daloy ng lava na tumigas. Ang activated coconut charcoal ay susunod na idinagdag sa crystal mixture (para sa detoxification).

11- Red Hawaiian salt. Mababa ito sa sodium kumpara sa table salt. Sea salt ito na may halong iron oxide-rich volcanic clay na tinatawag na alaea.

  1. Smoked salt. Ang asin na pinausukan sa mga kahoy na walang balat ay eksakto kung ano ang sinasabi ng pangalan nito; ang lasa ng asin ay depende sa uri ng kahoy na ginamit. Ang anumang asin na may malalaking butil ay maaaring gamitin upang gawin ito. Bilang karagdagan, ang pinausukang asin ay maaaring gawin sa bahay.