
Opisyal na inanunsyo ng Malaysia Friendship Golf (MYFG) group ang pagbabalik ng kanilang pangunahing charity tournament, ang Berjaya-Malaysia Friendship Open 2026, na gaganapin sa Nobyembre 28 sa Pampanga.
Ang anunsyo, na ginawa sa press conference nitong hapon, ay nagbibigay-diin sa dalawang layunin ng kaganapan: ang pagdiriwang ng ugnayang panrehiyon at ang pagsusulong ng mga makabuluhang hakbangin sa corporate social responsibility (CSR) sa mga lokal na komunidad sa ilalim ng Embahada ng Malaysia sa Pilipinas at Malaysia Chamber of Commerce and Industrial Philippines Incorporation (MCCI).
“I am pleased to reaffirm that 100% of the funds raised will go to CSR programmes of the Embassy of Malaysia and the Malaysia Chamber of Commerce and Industrial Philippines Incorporated. These funds will support disaster relief and charitable community initiatives for vulnerable communities affected by natural calamities and disasters,” ayon kay Stephen Khaw, Chairman ng MCCI at ng MYFG.
Higit pa sa pagiging golf tournament, ang taunang event na ito ay nagsisilbing strategic platform upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga sektor ng diplomasya, pamahalaan, at negosyo sa Pilipinas, Malaysia, at sa mas malawak na internasyonal na komunidad. Binigyang-diin ng mga organizer na ang hakbanging ito ay sumasalamin sa iisang paninindigan ng dalawang bansa para sa kapayapaan, kooperasyong ekonomiko, at palitang pangkultura.
“Golf is not only a sport. It is also a place where you can actually build a strong relationship and network. And through this strong relationship and network, you are able to see how this relationship and network can actually build more. One of the key roles the Embassy plays is how to build a relationship, people to people,” ayon naman kay Malaysian Ambassador Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino. “I must say that MYFG has really developed to the point where we are really a global community. If you see during our monthly foundations, besides Malaysians and Filipinos, we have so many other nationalities joining us. We have Japanese, we have Americans, we have those from the UK, Koreans, even as far as Russia. At the same time, we see how we can build this peace and stability that we are all looking for. So, I hope this can go on for many, many years and of course, we need sponsors.”
Espesyal din ang event dahil kaugnay ito sa kahalagahan ng Philippines ASEAN Chairship, na nagpapakita ng pamumuno ng bansa sa pagkakaisa at kooperasyon sa rehiyon. Malaking bagay din ito sa mga pagsisikap sa promosyon ng turismo ng Malaysia sa ilalim ng “Visit Malaysia 2026-2027.”
Charity golf tournament
Gaganapin ang “Berjaya-Malaysia Friendship Open 2026″ sa Nobyembre 26 sa Pradera Verde Golf & Country Club sa Lubao, Pampanga na dadaluhan g humigit-kumulang 288 manlalaro, kabilang ang mga kinatawan ng diplomatic, government officials, corporate executives at mga tagatangkilik ng larangang ito.
Ang Berjaya ay isang negosyong nasa operasyon ng automotive, hospitality, environmental services, at commercial equipment. Ang terminong “berjaya”—na nangangahulugang “tagumpay” sa wikang Malay at Indonesian—ay sumasalamin sa dedikasyon ng organisasyon sa kahusayan.
“The name Berjaya is deeply rooted in its Malaysian heritage and its longstanding presence in the Philippines. For Berjaya, our presence in the Philippines has always been about more than business. It is also about building meaningful relationships, strengthening communities, and fostering greater understanding and friendship between the two countries,” pagbabahagi ni Leo Laca, Human Resources Director ng Berjaya Philippines, Inc.
Magsisimula ang registration ng mga kalahok sa ganap na ika-6:00 ng umaga. Ang bayad sa pagpaparehistro ay ₱7,500 habang ₱6,500 para sa mga miyembro ng MCCI at ₱6,000 para naman sa mga non-golfer.
Ipinagmamalaki rin ng organizers ang 16 hole-in-one prizes na nagkakahalagang mahigit ₱1 milyon, bukod pa sa mga kaakit-akit na libreng alaala para sa mga dadalo at makikibahagi.
Layuning nagpapatuloy
Layunin ng darating na paligsahan na ipagpatuloy ang tagumpay ng ginanap noong nakaraang taon na nakalikom ng ₱1.593 milyon. Ang pondo ay direktang sumuporta sa 13 programa ng CSR sa buong 2026, na naghatid ng tulong at mga hakbangin sa pagpapaunlad ng lipunan sa mga kapus-palad na komunidad.
Napansin ng mga organizer na ang patuloy na epekto ng proyekto ay nagpapatunay sa potensyal ng pakikipagtulungan ng pribado at pampublikong sektor para sa isang nagkakaisang layuning mapagkawanggawa.
“When creating livelihoods, tourism is one of the key areas where it supports the communities. Golf tourism in the Philippines is growing. We hope to really use this avenue to also support the tourism industry. But you know, throughout my experience here, the Philippines has a really good collection of golf courses. And I think we need to promote them more,” ayon kay Ambassador Castelino.
Gayundin, pinag-aaralan ng organizer kung paano matutulungan ang mga magsasakang Pilipino na mas humaharap sa epekto ng El Niño.
(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)
