“Twilight”: Pag-ibig at musika sa entablado

Kasabay ng Easter Sunday, fresh din ang event na dinumog ng tao noong Abril 9 ng gabi.

Jampacked ang “Twilight” na ikapitong instalment na ng Wish Date concert series bilang proyekto ng Wish 107.5 at KDR Music House.

Ang unique concert na ito ay may halong short film na pinamagatang “Twilight” na sumentro sa kuwento ng love, friendship, at sacrifice.

Maganda at may aral ang pelikula na mahusay na ginampanan nina award-winning actress Mary Joy Apostol bilang si Diana, actress-TV host Ayra Mariano bilang Jennifer at versatile actor na si Teejay Marquez bilang Edward.

Ang OPM Pop Diva na si Rachel Alejandro habang kumakanta ng “Nakapagtataka” sa harap ng buhay na buhay na big crowd.

Pinaghalong movie at concert ang show kaya ibang level din ang ganap at pakiramdam para sa mga manonood.

Ang movie ay may simpleng tema pero sobrang affected and crowd sa bawat eksena rito. Mistulang isang live social media platform ang event na may kanya-kanyang reactions ang madla. May mga paghiyaw at bitaw ng mga linya sa tuwing kinikilig o hindi pabor para sa kanila ang eksena. Matapos ang event, sa isang social media post ay nabuo ng ibang manonood ang hashtags tulad ng #Twilight #NakakasiraKaNgFriendship #WishDate at iba pa.

Dagdag kirot, ngiti at kilig din na sa pagitan ng bawat eksena ay may musical performances sina Rachel Alejandro, Raymond Lauchengco, Hakki Patricio, Peniel Roxas at Freestyle.

Rachel Alejandro (Mula sa KDR Music House Facebook page)

Wala pa ring kupas ang timbre ng OPM Pop Diva na si Rachel na kahit nasa ika-12 anibersaryo ng kaniyang kasal ay nasa entablado at pinaghusay ang performance. Ilan sa kanyang mga inawit ay “Nakapagtataka” at “Mister Kupido” na kanya mismong mga kanta.

“I wasn’t feeling a hundred per cent last night but the jam-packed audience at the Philsports Arena for Wish107.5 and KDR Music House‘s Wishdate Twilight film/concert singing along to all our songs boosted my energy,” ani Rachel sa kanyang Facebook account matapos ang event.

Raymond Lauchengco (Mula sa KDR Music House Facebook page)

Hindi rin nagbago ang boses ng OPM hitmaker na si Raymond na nagbigay mensahe rin sa kanyang Facebook account, “What a joy to be singing again for such a warm audience! Thank you Wish107.5 and KDR Music House…”

Throwback din kasi ang pakiramdam ng crowd sa mga awitin ni Raymond tulad ng kanyang sariling “Growing Up,” “So It’s You”, at “Farewell” na sikat noong 80s.

Hakki (Mula sa KDR Music House Facebook page)

Samantala, si Hakki na naging bahagi noon ng The Voice Teens Season 2, ay matataas na piyesa ang mahusay niyang pinakawalan sa pagkanta habang ang Davaoeña singer-song writer at Wishcovery Originals champion na si Peniel ay iba rin ang banat.

Natapat kay Peniel ang malulungkot na awitin na akma sa Twilight gaya ng “I Remember the Boy” na classic hit noong mid-90s. May mga nasaktan din sa crowd sa pag-awit niya ng “Looking Through The Eyes of Love.” Kahit malungkot ang mga kanta ay mahusay at malinis niya itong naitanghal.

Peniel (Mula sa KDR Music House Facebook page)

“Before I Let You Go” din ang nagpahiyaw at nagpakilig sa audience na inawit ng R&B Band na Freestyle.

Captured na captured ng “Twilight” Wish Date concert na ito ang kanilang crowd dahil naghalo rito ang iba’t ibang generations – may millennials, Gen X at Z, at may baby boomers pa!

Freestyle (Mula sa KDR Music House Facebook page)

Sa kabuuan, naging matagumpay ang Wish Date Concert na ito sa direksyon ni Arnold Sanchez at produced ng KDR Music House, isang music publishing, talent management, at event production company.