Tsismis: Bakit may negatibong tatak?

“Gossiping is not inherently bad; it plays an important role in keeping our society connected.”

Ano ang tsismis?

“It’s just social information and we learn a lot about the social world around us when we gossip,” ayon kay Megan Robbins, Assistant Professor of Psychology at University of California.

Ang tsismis o gossip sa Ingles ay isa lamang pamamaraan ng komunikasyon. Ngunit bakit nabigyan ng negatibong tatak ang salitang tsimis? Nagiging negatibo dahil sa pamamaraan ng pagsasabi, pagpasa, at pagtanggap ng mga tao. Ayon sa isang kasabihan, “If you don’t have something nice to say, don’t say anything at all.” Dahil ang salitang sinabi sa iyo, pero mali ang pagkaintindi mo, pinasa sa iba na mayroon nang kulang at sobra sa pagkakasabi mo, mali na ito. Ito na ang tinatawag nilang tsismis. Samakatuwid, nagiging tsismis lamang ang mga salita kapag ito ay negatibo, pagbabanta, malayo sa katotohanan at walang katotohanan.

Bakit mayroong mga tsismosa at tsismosa?

Lahat ng tao ay tsismoso at tsismosa depende na lamang sa pamamaraan na ginagamit natin. Kung ikaw ay mayroon lamang gustong sabihin na hindi naman nakasisira ng kapwa ay hindi ka masasabing tsismosa, ngunit kapag ikaw ay gumawa ng kuwento tungkol sa kapwa mo, welcome to the “Marites World”, isa ka nang tsismosa.

May mga tao na kinakain ng inggit lalo na kapag nakita nila ang kapwa nila na mas nakaaangat o mas masaya kaysa sa kanila, dito nag-uumpisa ang tsismis at dito rin pinanganganak ang mga tsismosa at tsismosa.

Kung matatandaan ang isang episode ng It’s showtime ng ABS-CBN, mayroong pagkakataon na nagbibiruan ang dalawang panauhin na sina Anne Curtis at Vice Ganda. Tinanong ni Vice si Anne kung alam niya raw ba ang tungkol sa alamat ng tsimosa at ito ang naging usapan:

Vice: Noong unang panahon, panahon ng Hapon at hindi ng mga Kastila. May isang pamilyang ubod ng yaman. Sila iyong pamilyang nasa kabilang bakuran. Saksakan sila ng yaman! Ang kanilang tahanan ay mala-palasyo, malaki, matayog, malawak at gawa sa bato. Kapag pumasok ka sa kanilang bahay, ikaw talaga’ay mapapanganga dahil ang makikita mo ay ‘yung mga saksakan, ganda ng mga muwebles at mga pilak na kubyertos at kapag ikaw ay tumingala, makikita mo naman ang mga kumukutitap at nangniningning na mga araniya at mamamangha ka talaga dahil punong-puno ng mga magagarang alpombra. Pag pumunta ka sa banyo, makikita mo sa kusina ang kanilang lababo ay gawa sa tanso, at ang kanilang inidoro ay gawa sa ginto. At ang buong pamilya, ang nanay, tatay at mga anak, ang kanilang katawan ay punong-puno ng diyamante dahil sila ay ubod ng yaman. Gusto mo bang malaman kung bakit mayaman ang pamilyang ito?

Anne:” Bakit?

Vice: At diyan nagsimula ang alamat ng tsismosa.

Kahit pa man pabiro ang naging paraan ni Vice Ganda, dito masasabi nating ang mga tsismosa at tsismoso ay ang mga taong walang magawa sa buhay kaya pati buhay ng iba ay pinapakialaman at pinag-uusapan nila.

Bakit may gumagawa ng tsismis?

Simple lang ang sagot, dahil wala silang magandang magawa sa buhay nila kaya pati buhay ng iba ay pinakikialaman.

Mabuti ba ang pagtsitsismis?

Mabuti ang pagtsitsismis kung ang dahilan mo ay para lamang magbigay ng impormasyon at hindi para manira o ikuwento ang buhay ng may buhay sa iba.

Ano ang mga dapat gawin sa mga tsismoso at tsismosa?

Dahil ang salitang “tsismosa” o “tsismoso” ay negatibong bansag sa mga taong nagkukuwento o nagkakalat ng mga negatibong salita tungkol sa iba, ang batas ay naglabas ng mga karampatang parusa para sa kanila.

  1. Cyber libel (under R.A 10175)

– Ito ay ang pagkakalat ng tsismis sa online platforms katulad ng Facebook, messenger at iba.

  1. Slander (under R.A 358 ng revised penal code)

– Ito naman ay kapag tsini-tsismis ka sa mga kakilala o kaibigan.

  1. Child abuse (section 10 under R.A 7610)

– Kung ikaw ay menor de edad at pinag-uusapan.

  1. Intriguing against honor (under R.A 364 ng revised penal code)

– Kapag sinisiraan ang iyong dangal

  1. Incriminating innocent person (under R.A 363 ng revised penal code)

– Kapag ikaw ay tsinitsismis na may ginawang krimen.

  1. Raffy Tulfo

Hindi mo maaaring patulan ang mga tsismoso at tsismosa dahil hindi mo pupuwedeng ibaba ang lebel mo sa mga lebel nila. Kaya, ang magandang gawin sa mga tsismosa at tsismosa, kung hindi naman ito malaking iskandalo, hayaan na lamang sila ngunit kung ito ay mayroon nang malaking epekto sa araw-araw na pamumuhay, maaari na silang isumbong sa mga kawani ng gobyerno na maaaring makatulong o organisasyon.