Tricks and Musical Treats, isang PPO family concert sa CCP

Ang pinakamamahal na Halloween event ng CCP, Tricks and Musical Treats: A PPO Family Concert, ay nagbabalik sa Oktubre 30, 2022, sa ganap na alas-4:00 ng hapon, sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).

Tinawag na “A Tuneful Fiesta at Filharmonia,” ang okasyong ito na pampamilyang konsyerto ay magtatampok sa 10 taong gulang na pianist na si Ella Gabrielle Gaw at pitong taong gulang na marimba player na si Gioia Francesco M. De la Cruz, na magtatanghal kasama ang Philippine Philharmonic Orchestra, sa ilalim ng baton ni Maestro Herminigildo Ranera. Ang palabas na ito ay hosted ng theater actress-director na si Liesl Batucan-del Rosario.

Matapos ang dalawang online na edisyon noong 2020 at 2021, nagpapatuloy ang PPO Family Concert sa kanilang tradisyon upang ipakilala ang orchestral instruments at mapaganda ang pagtangkilik para sa classical music sa mga bata sa isang masaya, at mapaglikhang paraan.

Kasama sa pre-concert event ang isang instrument petting zoo, kung saan ang mga bata ay makahahawak at makagagamit ng piling music instruments ng orchestra na nakatakda sa alas-2:00 ng hapon. Layon nito na mabigyang halaga kung gaano kasaya at kahanga-hanga ang magpatugtog ng isang musical instrument sa murang edad.

Sa pagkakaroon ng Filipino-based na tema, inaasahan ng palabas na isama ang mga kultural na halaga sa kalinga, kultura, at kalikasan.

Inaanyayahan ang bawat isa at iniengganyo na magbihis ng pinakamagandang Filipino-inspired na kasuotan para sa Halloween concert. Ang mga bata na nakabihis ng pinakamagandang costumes ay magwawagi ng mga papremyo.

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) o sundan ang CCP official social media accounts sa Facebook, Twitter at Instagram.