Travel Madness Expo naging makulay sa ika-10 taon

Sa pagbubukas ng Travel Madness Expo 2023, isa ang Philippine Airline sa exhibitors na nagbigay ng iba’t ibang offers para sa travel enthusiasts. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Sa dami ng long weekends ngayong taon, pihadong maraming Pilipino ang game na game at excited sa muling pagbibiyahe, paglalakbay at pagre-relax. Saktong nagbalik muli ang Travel Madness Expo (TME) na nasa ika-10 taon at ito ang pinakamalaking travel and trade fairs sa bansa. Ang okasyong ito ay naging mas makulay na ginanap mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 2, 2023 sa SMX Convention Center, Mall of Asia sa Pasay City.

Aminado tayo at ayon na rin sa obserbasyon na maraming Pilipino ang nahihilig ngayong mag-out of town o out of the country dahil ilang taon din tayong pinapirmi ng pandemya sa kanya-kanya nating mga tahanan. Malaking bagay ito para mabuksan nang husto ang ekonomiya at mabuhay muli ang turismo sa bansa.

Sa ika-10 taon Travel Madness Expo, pormal na binuksan ito nina (mula sa kaliwa): Dusit Thani Hotel Manager Michael Kempf; JNTO – Makoto Watanabe; PLDT – Yam Batac; DICT – Asec. Philp Varilla; PAL – Bryan Sansolis; Cab – Atty. Carmelo Arcilla; BPI – Jen Lacerna; Sabre – Bong Velasquez; Cebu Pacific – Arlene Tena; Pasay City Mayor Representative – Chief of Staff Peter Eric Pardo; DOTR Sec. Jaime Bautista; DFA Usec. Carlos Sorreta; Taipei Economic and Cultural Office – Wallace Minn-gan CHOW; at TIEZA – ACOO Jetro Nicolas Lozada, Store Specialists Inc. –Michael Huang (wala sa larawan).

Sa naturang expo na pinangunahan ni Maria Paz Alberto na siyang chairperson ng TME ngayong taon at vice president ng Travel Innovators, Inc., nagkaroon ng malawak na oportunidad at opsyon ang travelers para maging masaya ang getaways mula sa pagpili ng mga lugar na pupuntahan, eroplanong sasakyan, at iba pa.

Partikular na makikita sa expo ang airlines at ibang exhibitors na may iba’t ibang alok o deals para makumbinsi ang travelers sa kanilang mga serbisyo. Ang mga ito ay tulad ng Travel Agencies and Tour Operators, Airlines, Cruise Lines, Hotels & Resorts, Theme Parks, Travel Insurance Agencies, Travel-related Products and Suppliers, Food Concessionaires, at marami pang iba.

Sa matagumpay na ika-10 taon ng Travel Madness Expo, iba’t ibang personalidad ang sumuporta kay Maria Paz Alberto (gitna) na siyang chairperson ng TME ngayong taon at vice president ng Travel Innovators, Inc., tulad nina Rosary Ysmael-Palanca (kaliwa) at Teddy Pelaez ng Manila Standard.

Maraming mga Pinoy ang miss na miss ang naging buhay noong bago ang pandemya, kaya’t ngayong nagbabalik ang paunti-unting pagnormal ng buhay ay aktibo ang travelers sa panibagong adventures na kanilang tatahakin.

Ang China Airlines booth na naging bahagi ng Travel Madness Expo 2023. (Kuha ni Teddy Pelaez)