Transport group na Manibela magsasagawa ng jeepney stike sa Oktubre 16

Mula Oktubre 16, nakatakdang magsagawa ng nationwide jeepney strike ang grupong Manibela.

Maraming jeepney mula sa 80% ng 785 ruta sa Metro Manila, o hindi bababa sa 600 sa mga ito, ang sumang-ayon na makibahagi sa suspensyon ng serbisyo.

Bilang bahagi ng Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program ng gobyerno, hinihiling ng grupo ang pagsuspinde sa mandatory jeepney franchise consolidation deadline sa Disyembre 31.

Sa kabila nito, may ilang grupo ang hindi lalahok sa malawakang transport strike na walang espesipikong petsa kung kailan matatapos.

Inisyal na itinakda ang naturang stike noong Hulyo pero dahil sa matinding ulan ay inatras ito.

Kaugnay sa nationwide transport strike, kinansela ng ilang ahensya ng lokal na pamahalaan at institusyong pang-edukasyon ang mga face-to-face classes sa Oktubre 16.