Trans fat: Delikado sa kalusugan; posible sa atake sa puso

“Transfat? Masama iyan sa kalusugan.”

Para sa karaniwang tao iyan lamang ang kanilang sagot sa tanong kung ano ang alam nila sa trans fat – dahilan para maraming mabiktima nito.

Noong Hunyo 28, binigyang halaga ang kalusugan at sa pamamagitan ng Zoom ay pinag-usapan ang trans fat, kolesterol, mga epekto nito sa mga tao, gabay sa maayos na pagkain, at iba pa.

Ang talakayang Usapang Puso sa Puso June 2023: “Trans Fat: The Fight is on!” ay pinangunahan nina Dr. Lourdes Ella “Louella” Santos, President, Philippine Lipid and Atherosclerosis Society (PLAS); at Atty. Mikhail Laurence Millan, Project Manager, ImagineLaw (Trans Fat Elimination/Front-of-Pack-Labelling, HIV Prevention and Control). Naging host dito si Dr. Luigi Pierre Segundo, Director III, Philippine Heart Association.

Ang trans fat ay isang uri ng dietary fat. Nakikita ito sa mga pagkain o sa mga sangkap tulad ng mantika, pre-packaged at processed food products para tumagal ang shelf-life ng mga ito. Halos lahat ng mga ito ay kinokonsumo natin dahil sa kawalan din ng sapat na kaalaman at kasama na rito ang katigasan ng ulo ng mga tao.

Ang ilan sa mga bumubuo ng Usapang Puso sa Puso June 2023: “Trans Fat: The Fight is on!” kabilang pa ang Philippine Heart Association. Mula sa kaliwa ay sina Dr. Luigi Pierre Segundo, Dr. Lourdes Ella “Louella” Santos, at Atty. Mikhail Laurence Millan.

Trans fat, pinakadelikado sa lahat

Sa lahat ng uri ng fats, ang trans fat ang pinakadelikado na dapat ay naiiwasan ng mga tao upang maiwasan din ang mga sakit sa puso at iba pang problemang pangkalusugan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, sakit sa puso pa rin ang nangunguna sa pagkamatay ng mga Pilipino.

“Bigyan natin ng clarification. Kapag taba ang pinag-uusapan, iba ang types: pag nag-blood test, total cholesterol has three components. Sum total of cholesterol: Triglycerides, High-density lipoprotein (HDL), Low-density lipoprotein (LDL). Triglycerides is ‘yong taba na nakukuha sa asukal, harina, white rice, bread, desserts. HDL is good cholesterol, LDL is bad cholesterol or “Lechon de Leche,” ani Dr. Santos. “Kaya po natin ayaw ang LDL: ito ang nagbabara sa ugat at sa puso leading to heart attack or stroke kung sa utak. Moving forward, we have different types of fats. Trans Fat (TF) ang pinakanakakatakot na taba because ang ginagawa nito, dinadamihan ang LDL ‘pag kinakain ang trans fat. We need to talk about how to limit, and identify TF in food. Importante ma-recognize ang good and bad cholesterol, TF.”

“TF is liquid oil converted into solid oil. Hydrogen is added, becoming partially hydrogenated oil (PHO), kailangang iwasan iyan. ‘Pag nakita ninyo sa label, it’s not good. Kapag mayroong man unsaturated fat (monounsaturated or polyunsaturated), it increases good cholesterol. So, poly or mono unsaturated ang maganda, sa salmon, avocado, fish belly,” paliwanag pa ni Dr. Santos.

Dahil halos lahat ng kinakain natin ay may kolesterol hindi natin namamalayan ang epekto nito dahil sa walang ipinakikitang sintomas ang mataas na kolesterol.

“By the time may manifestation na ang bara it’s late: it’s a stroke or heart attack. Sa primary prevention, aalamin kung may risk. If may magulang na may sakit sa puso or mataas ang cholesterol, then genetically may chance na mataas ang cholesterol,” ayon pa kay Dr. Santos.

Iginiit din ng doktora ang halaga ng pagkakaroon ng maayos na lifestyle, may sapat na ehersisyo. Kapag mataas ang kolesterol ay hindi kailangang tapatan ito ng gamot.

“Hindi lang ibig sabihin na mataas ang LDL gamot na (ang kailangan) habambuhay. Foods to avoid are the canned goods in the morning, eating out. Better to baon para alam kung ano ang mayroon, at meryenda; avoid processed foods. Exercise is important as well. Even just walking 30 mins everyday, LDL will go down, HDL will go up, and win-win because you’ll lose weight. The risk of Dementia, Alzheimer’s is also reduced from walking. Kaya importante magpa-check,” saad pa niya.

3-in-1 na kape, masama ba?

Ang masakit na katotohanan ay pabata nang pabata ang mga pasyente, ayon kay Dr Segundo, dahil nakikita nila ito sa kanilang trabaho. At ayon sa ibang pasyente ay nag-eehersisyo naman ang mga ito at kumakain nang tama, pero naroon din na dahil sa abala ay kumakain na lamang sa labas at may kahiligan sa mga 3-in-1 na mga kape. Masama ba ang ganitong uri ng kape?

“Eating out, there are many options but we don’t prep it so we don’t know what’s in the food or kung ano ang oil na gamit, kung bago ang oil o hindi. So, we don’t really encourage eating out because you don’t know how it was prepared. When you do, please choose healthier options. Imbis na fried chicken, get fish, imbis na French fries, gulay. May mga restos with healthier options like red or brown rice,” paliwanag ni Dr. Santos. “Sa 3 in 1, ang pagkain natin, may mindful and mindless, eating. Mindless kasi pantawid gutom or antok na; pinapasok lang sa bibig at ‘di pinag-iisipan. ‘Di mo napapansin na 3 packs ka na ng chips (na nakain) while watching TV. As for 3 in 1, there are three components: coffee, sugar which we want to avoid, and creamer which is processed and adds sa triglycerides, and has trans fat or PHO para tumagal ang shelf life. Kung maaari, mag-shift sa kape na walang asukal o creamer. May clinical trials na walang detrimental effect ang kape; it’s not unhealthy. But dapat black, brewed and walang kasama.”

Nabanggit din ni doktora na hindi makikita sa katawan ang bilang ng trans fat, pero may epekto ito (high LDL, low HDL), kaya mahalagang may adbokasiya rin upang mawala o mabawasan ang trans fat. Sa adbokasiyang ito, pinangungunahan din ito ni Atty. Millan.

“We have a TF policy from the FDA (Food and Drug Administration) in 2021. How did we get here? We have full implementation of the policy from the DOH, FDA. It started in 2018 when the WHO (World Health Organization) released the replace action package on how to eliminate iTFA (industrially-produced trans fatty acids) in countries worldwide, Ayon kay Atty. Millan. “We are here now, and iTFA is now prohibited from pre-packed and processed. We achieved the WHO sched within 2023, through collaborative efforts.”

Ayon naman kay Dr. Santos, katuwang ang PLAS sa adbokasiya at may malaki ang naging pagbabago sa mga korporasyon na may kaugnayan sa mga pagkain. Mahalagang may alam tayo sa serving size na ating kinakain. Patuloy ang kanilang grupo na mabigyan ng impormasyon ang mga tao at upang maprotektahan sa mga sakit na maaaring idulot ng trans fat.

Warm water, walang epekto sa pagtanggal ng bara sa ugat

Ayon kay Dr. Santos hindi nakatutulong ang pag-inom ng maligamgam na tubig upang mawala ang bara sa mga ugat dala ng kolesterol, dahil kung may epekto ito ay hindi na natin kakailanganin pa ng mga doktor.

“Majority of our organs need water, especially with our weather now. Water is a very big component of our daily diet; the eight or more glasses, it’s best to go above it pa. But, it’s not because it can unclog arteries,” paglilinaw ng doktora.

Gayundin, palinawag pa niya na walang kinalaman ang timbang tao sa kolesterol.

“Walang correlation ang timbang ng tao at ng cholesterol. Walang external manifestation ang cholesterol; you can’t see this physically. Familial Hypercholeterolemia is a condition that involves exceptionally high LDL. But for typical people, the only physical manifestation would be a stroke or heart attack and it’s too late. So it’s important to get checked,” giit ni Dr. Santos.

Sapat na ba ang pagkakaroon ng maayos na lifestyle at ehersisyo para mabawasan o mawala ang kolesterol sa katawan?

“Not just exercise. Avoiding vices, the recommendation is now zero bottles of beer daily, choosing healthier options, exercise,” payo pa ni Dr. Santos.

Kaugnay pa ng talakayang ito, hinihingi ng naging panelists ang suporta ng mga tao kontra trans fat.

“The fight for our heart health is not over, and we can still do more. Not just policy makers, doctors, we as citizens and media, can do more to protect the Filipino heart. Support the TFF PH bills, contact your congressperson. When the bill becomes a law, it’ll be a victory for all of us,” ani Atty. Millan.

Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Trans Fat Free Philippines Facebook page.