Top celebrity taxpayers kinilala ng BIR

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Instagram/@bernardokath)

Kinilala ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nangungunang celebrities na nagbayad ng kanilang mga buwis para sa taong 2022.

Ilan sa pangungahing celebrities na ginawaran ng BIR ay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Malaking bagay ito sa’min and hopefully, this will inspire everybody to do our responsibility bilang Filipino na nagbabayad ng tax,” pahayag ni Bernardo sa pagkilalang nakamit mula sa BIR.

Ang iba pang top media personalities na idineklarang good taxpayers ay sina:

Anne Curtis

Sarah Geronimo

Judy Ann Santos

Coco Martin

Erik Santos

Bugoy Drillon

Jed Madela

Liza Soberano

Michael V

Maja Salvador

Vic Sotto

Mel Tiangco

Mike Enriquez

Jessica Soho

Willie Revillame