Top 10 Finest Cuisines sa Food Club Manila

Pork Lechon Belly

Luxury is all about the finest.

Alamin natin ang napakasarap na world-class na lasa ng inyong lifestyle buffet – ang Food Club Manila.

Mula nang muling buksan at gamitin ng Food Club Manila ang kanilang kusina noong nakaraang Oktubre, ang mga crew ay nagsilbi at nag-treat sa kanilang mga customer mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ng masasaganang pagkaing hango sa iba’t ibang panlasa sa buong mundo. Sa napakaraming klase ng mapagpipilian, narito ang inyong guide upang matulungan kayong magpasya kung aling mga pinakamahusay na sulit sa taste test para sa inyong palette at sa kung anong kakayanin ng iyong tiyan.

Garlic Butter Shrimp

Ang anuman na may butter ay inaasahang magiging katangi-tangi. Ipares natin ito sa rich and nutty spice ng bawang. Sama-sama, kasama ng iba pang mga seasoning, ang masarap na lasa ng hipon ay nagiging delicately enriched. Ang creamy scrumptious fusion ng French-originated cuisine na Butter Garlic Shrimp ay talagang magpapahahangad sa inyo ng higit pa.

Garlic Butter Shrimp

Chinese Steamed Sweet and Sour Fish

Speaking of flavorful fusions, anumang Sweet and Sour ay masasabing isa sa pinakapopular sa kanilang lahat para sa mga Pinoy. Sa mayamang spices ng Chinese at sa kalidad na talagang mula sa healthy food preparation sa pamamagitan ng steaming, malamang na magpapatuloy kayo sa isa pang round.

Yang Chow Fried Rice

Sinong mag-aakalang mapapasarap pa ang kanin? Talagang paborito ng karamihan ang oriental rice cuisine na ito. And to think na makukuha ninyo ito for unlimited rounds dito sa Food Club Manila ay parang dream come true para sa mga mahilig sa kanin.

Shabu-shabu

Ito ay isa pang oriental cuisine sa listahan at pihadong paborito rin ng marami. Ang Food Club Manila ay may sariling Shabu-shabu corner para sa ‘health-conscious’ foodies dahil naglalaman ito ng vitamins and proteins, na walang mantika o dagdag na MSG. Kaya kung gusto ninyong mag-dine out na may ibang food options with less guilt, nakahanda ang Food Club Manila para rito!

Vegetable Tempura

Shrimp, Kani and Vegetable Tempura

Isa sa mga prominenteng Japanese cuisines ay ang Shrimp Tempura. Walang dudang napupusuan ito ng maraming Pinoy at kahit pa ng ibang lahi. Sa totoo lang, isa ito sa mga pagkaing dapat ninyong abangan sa Food Club, dahil maaaring agad na maubos ito sa loob ng ilang minuto – isang mabilis na tip iyan!

Shrimp Tempura

Chicken Karaage

Pinaghalong crispiness at tenderness, dagdag pa ang satisfyingly distinct salty tangy taste nito kaya nakahalo sa delectable fried Japanese cuisine. Maliban sa Tempura, ito ay isa sa most sought-after dishes sa Food Club menu.

Pork Lechon Belly

Orihinal na delicacy ng Cebu, ang Pork Lechon Belly ay isa sa pinakapaboritong cuisines sa gatherings, fiestas, kabilang pa ang Christmas at year-end celebrations. Ang exquisite aroma at pagkalutong ng balat nito ay nakagugutom talaga!

Roast Beef

Rare, medium, o well-done? Makukuha ninyo iyan sa Food Club. Ang rich and juicy cuisine, partnered pa ng aged wine ay matatawag talagang isang clear display of stature. Maaari ninyo rin namang kainin ito kasama ng iba pang world-class na pagkain dito mismo.

Margherita Pizza

Sa fusion flavors na pleasing and neutral, talagang babalik kayo para sa dalawa o higit pang round. Ang Margherita pizza ay isang Neapolitan pizza na binubuo lamang mula sa mozzarella cheese, bawang, extra virgin olive oil, kamatis, at basil.

Barbecued Spareribs

Sa salitang Spareribs pa lamang ay sapat nang nakaaakit para masabing masarap talaga ito. Malamang na inilalarawan ninyo ang semi-burnt na karne na malambot at makatas, na may katakam-takam na sarsa ng barbecue. At ang pinakamagandang part – hindi kayo limitado sa isang plato lamang ng Spareribs sa Food Club.

Maliban sa Finest 10 na iyan, mayroon ding isang grupo ng mga world-class na lutuin na dapat ninyong subukan sa Food Club Manila. May isang Salad Station doon para sa health-conscious foodies. Bukod dito, naghahanda rin ang Food Club ng pinakabagong Dessert Island para sa sweet tooth kasama ang lahat ng masasarap na cake, crepes, ice cream at ang umaapaw na chocolate fondue.

Isa sa mga pinakamagandang bagay tungkol sa Food Club Manila ay kapag sinabi nilang ito ay isang complete package, ito ay talagang isang buong bundle – kasama ang mga pampalamig. Nag-o-offer ang inyong lifestyle buffet ng iba’t ibang masasarap na juice, soda, at kahit na draft beer. Ipares ang inyong mga napiling pagkain sa anumang inumin na gusto ninyo.

Kaya kumpleto na ang inyong finest ten, dagdag pa ang ilang great add-ons para ang inyong Food Club Manila experience ay matatawag na perfect!

Para sa inquiries at event bookings, mangyaring tumawag sa 0917-1444187 / 0917-1664187 o mag-send ng email sa foodclub.reservation@gmail.com. Maaaring sadyain din ang Food Club Manila Facebook page para sa higit pang impormasyon.

Humanda na sa luxury dining na kayang-kaya ninyo. Ang inyong lifestyle buffet ay naghihintay sa inyo!

Ang Food Club Manila sa Ayala Malls Manila Bay | 4th floor, Ayala Malls Bay Area – I.T Zone