Top 10 destinasyon ng mga Pinoy ayon sa Google

Mukhang maiimpluwensyahan ang travel bucket list ng maraming Pinoy ngayon.

Sa obserbasyon para sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto ng taong ito, nangunguna ang Tokyo, Japan sa most searched travel destination ng mga Pilipino. Ito ay ayon sa flight booking search service na Google Flights ng Google, isang pinagtitiwalaang internet search engine.

Ang top 10 destinations ng mga Pinoy

  1. Tokyo, Japan
  2. Singapore
  3. Bangkok, Thailand
  4. Caticlan, Aklan
  5. Cebu
  6. Hong Kong
  7. Manila
  8. Seoul, South Korea
  9. Kalibo, Aklan
  10. Taipei, Taiwan

Samantala para sa mga nangungunang mga bansang gustong puntahan ng mga Pilipino ay ang Japan, Thailand, United States, United Kingdom, at South Korea.

Masayang balita rin na maraming foreigners ang bumibisita sa Pilipinas gaya ng mga turistang mula sa United States, Japan, Canada, Australia, at United Arab Emirates.