Tips sa pagbili ng bahay at lupa

Ang pagbili ng house and lot ay isa sa pinakamahalagang financial decisions na maaaring gawin ng isang indibidwal o pamilya, kadalasang kumakatawan sa isang panghabambuhay na pamumuhunan.

Bago magpatuloy sa substantial commitment na ito, kinakailangang magsagawa ng masusing pananaliksik at paghahanda.

Magsimula sa pamamagitan ng pag-assess ng iyong financial situation, kabilang ang iyong credit score, ipon, at buwanang budget.

Ang pag-unawa sa iyong financial situation ay tutulong sa iyo na matukoy kung magkano ang iyong kayang bayaran, hindi lamang para sa presyo ng pagbili kundi pati na rin para sa mga patuloy na gastos tulad ng mga buwis sa ari-arian, insurance, at pagpapanatili nito.

Bukod pa rito, kung kukunin sa pamamagitan ng installment o utang ang house and lot, ipinapayong makakuha ng pre-approved para sa isang mortgage dahil ito ay magbibigay sa iyo ng isang malinaw na larawan ng iyong kapasidad sa paghiram at ipakita sa mga nagbebenta na ikaw ay isang seryosong buyer.

Kapag naitatag mo na ang iyong budget, mahalagang isaalang-alang ang lokasyon ng ari-arian. Alamin kung hindi bahain ang lugar kung tag-ulan, kung hindi magulo ang komunidad at iba pa. Magsaliksik din sa mga amenity, paaralan, opsyon sa pampublikong transportasyon, at mga plano sa pagpapaunlad sa hinaharap, dahil ang mga salik na ito ay maaaring makabuluhang makaapekto sa kalidad ng iyong buhay at halaga ng muling pagbibili ng ari-arian.

Maaaring kapaki-pakinabang din na kumonsulta sa isang ahente ng real estate na may kaalaman tungkol sa lokal na merkado, dahil maaari silang mag-alok ng napakahalagang mga insight at gabayan ka sa proseso ng pagbili.

Ito ang kabuuang tips bago bumili ng house and lot

– Alamin kung may kapasidad na makabili ng bahay kahit pa kung kukunin ito nang cash o dadaanin sa utang. Hanggang maaari ay dapat na walang ibang utang na malaki ang binabayaran na magiging sagabal sa pagbili ng bahay. Isipin din na may iba pang mga bayarin na kailangan ikonsidera gaya ng buwanang utility bills, school tuition, iba pa.

– Mahalaga rin na may permanenteng trabaho bago bumili ng bahay at bawasan ang monthly expenses kung maaari at mas maging matalino sa pag-iipon ng pera. Makatutulong ang ipunin ang bonuses, 13th month pay at maitabi ang kita sa side hustle/s o sideline na tinatawag para sa extra income.

– Ihanda ang mga dokumentong kailangan sa pagbili o pagkuha ng bahay.

– Mahalagang masuri rin at maging maingat sa kalusugan para may matibay na dahilan para makapagtrabaho nang maayos at makatagal pa sa serbisyo para may panghulog sa bahay kung ito ay dadaanin sa installment loan.

– Alamin ang lokasyon ng bahay kung ito ay accessible. Umiwas sa bahaing lugar, at kung ito ba ay malayo sa trabaho, paaralan ng mga bata, ospital, at iba pa. Alamin din kung malapit sa pamilihan at kung may sapat na transportasyon o hindi gaanong mabagal ang galaw ng trapiko.

– Tiyaking maayos ang developer o gumawa ng bahay. Mainam na ieksamin ang kanilang record sa mga nagdaang panahon o kung walang reklamo sa kanilang mga proyekto.

– Suriin mismo ang bahay at lupa – sa loob at labas nito. Siyasatin kung may mga bitak, sira sa mga pundasyon, poste, dingding, bintana, flooring (kasama ang tiles), hagdan at cabinets, plumbing, septic systems, wirings o electrical components, at iba pa.

– Mahalagang makita kung madaling daanan ang pwesto ng bahay – hindi masikip lalo na sa panahon ng emergency.

– Suriin kung may tamang ventilation sa bahay dahil baka hindi sapat ang laki at dami ng bintana, kung mababa ang kisame, at iba pa.

– Kung may sariling sasakyan, mainam na kumuha ng bahay na may garahe para iwas sa problema. Hindi rin maganda na nasa labas nakagarahe ang sasakyan.

– Suriin ang komunidad kung saan nakatayo ang bahay. Mainam na alamin kung malayo sa gulo at tahimik ang lugar.

– Magkaroon ng lisensyado o maayos na agent sa pagkuha ng house and lot. Makatutulong din ang humingi ng second opinion mula sa mga taong may experience na sa pagbili ng house and lot.