Theater actor Arman Ferrer bibida sa 2022 Triple Threats concert

Arman Ferrer

Kinikonsiderang isa sa mga outstanding musical theater actors ngayong henerasyon, si Arman Ferrer ang magiging second-act performer ng Triple Threats concert series sa Nobyembre 18, sa Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) ng Cultural Center of the Philippines sa ganap na ala-7:30 ng gabi.

Si Ferrer ay isa sa tatlong tenor na magtatanghal sa nasabing mga serye ng konsyerto – na magpapatingkad sa Philippine Musical Theater.

Siya ay edad 21 lamang noon, walang karanasan sa pag-arte nang siya ay sumali sa Zarzuela na “Walang Sugat” sa Ateneo noong 2010, nangunguna sa papel niya bilang Tenyong. Kinailangan niyang sumali sa mga palihan para matutong umarte.

Muli niyang ginampanan ang pagiging Tenyong sa pagsasaentablado ng Tanghalang Pilipino para sa “Walang Sugat” na idinirehe ni Carlitos Siguion Reyna sa CCP. Matapos nito, lumabas siya sa “The Best of Opera” sa Resorts World Manila, “A Christmas Carol” para sa 9Works, “Mabining Mandirigma” sa CCP, at dalawang orihinal na musicals para kay Director Joel Lamangan, “Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag” at “Binondo: A Tsinoy Musical”, kung saan siya ay tumanggap ng mahuhusay na reviews dahil sa pambihira niyang pagtatanghal. Noong 2021, nakuha niya ang title role sa “Lapu Lapu” na musikal, ang unang produksyon na itinanghal sa bagong ayos na Metropolitan Theater (MET) na idinirehe ni Dexter Santos. Si Arman ay nanalo ng Aliw Award bilang Best Crossover Artist at Awit Award para sa Best Christmas Song ni National Artist Ryan Cayabyab.

Arman Ferrer

Ang bawat konsyerto sa Triple Threats Series ay isang intimate na gabi ng magagandang musika, na personal na pinili mismo ng mga artista, mula sa kanilang malawak na repertoire ng mga paboritong kanta mula sa Broadway, West End, orihinal na mga musikal na Pilipino, at mga pelikula. Tinaguriang serye ng mga “concept concert”, ang salaysay ng pagtatanghal ay dinidiktahan ng mga napiling kanta. Ito ay isang pambihirang pagkakataon para sa madla na makita ang ibang aspeto ng kinikilalang artista sa teatro na itinampok. Ang kahulugan ng “triple threat” ay isang tao sa isang partikular na larangan na nagpapakita ng tatlong kasanayan na kinakailangan upang maging mahusay – maaaring kumilos, kumanta, at sumayaw.

Ang iba pang tenors na tampok sa seryeng ito ay sina Markki Stroem na nagtanghal noong Oktubre 14, at Poppert Bernadas na magtatanghal sa Disyembre 21, 2022.

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa official website ng CCP: https://culturalcenter.gov.ph at Facebook page https://www.facebook.com/culturalcenterofthephilippines