The search is on for Miss Iriga City; nagbabalik ngayong taon

Ang mga nagsipagwagi sa pinakahuling edisyon ng Miss Iriga City noong 2019 na sina Miss Iriga 2019 - Sheena Magistrado; Miss Camsur Tourism 2019 - Jessica Holz; Miss Rinconada 2019 - Princess Plotado; 1st Runner Up - Iris Oresca; at 2nd Runner Up - Sofia Cartujano. (Mula sa Miss Iriga City 2019 Facebook Page)

Ang Miss Iriga City, isa sa pinaka-hihintay na pageant competition sa Bicol Region ay muling nagbabalik ngayon matapos ng ilang taong pamamahinga at nag-aanyaya ng magagandandang Bicolana sa siyudad ng Iriga at ng Rinconada at buong Bicol region, upang lumahok at maging official candidates ng pageant competition.

Malaking halaga ang ang nakalaan para sa tatlong mapalad na hihiranging reyna. Asahan ang P150,000 para sa Miss Iriga City 2023; P100,000 para sa mananalong Miss Rinconada at Miss Bicol Tourism 2023; P75,000 naman para sa 1st runner-up; at P50,000 para sa 2nd runner-up.

Ang basic qualifications upang maging official candidates ay dapat mula 18-25 yrs. old, ipinanganak o mula sa Iriga City, Rinconada o Bicol Region, may taas na 5’4 minimum, physically fit at single. Ang final screening sa pagpili ng official candidates ay gaganapin sa May 28, 2023 mula alas-otso ng umaga hanggang hapon sa Iriga Sports Center, Sta. Cruz, Iriga City, Camarines Sur.

Sa masigasig na panunungkulan ng kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Hon. Mayor Rex Oliva, minabuti ng lokal na pamahalaan na muling ganapin ang Miss Iriga City pageant ngayong taon, kaugnay ng kapistahan ng patron ng lungsod na si St. Anthony Padua. Ito ay para rin mapasigla ang turismo at kalakalan ng syudad. Layunin din ng patimpalak  na humanap ng mga kababaihang kakatawan sa Iriga City sa mas malalaking regional at national pageants. Ang mga tatanghaling reyna rin ang magsisilbing Tourism, Trade and Investment at Cultural Ambassadress ng Iriga City kasama na ang Bicol region.

Sa mga interesadong sumali sa mas pinalaking Miss Iriga City 2023 maaring makipag-ugnayan kina Luisito Benjamin Taduran sa 09471831286, Shirlan Bonacua sa 09991697250 o mag-download ng application form sa IRIGA CITY Tourism Office Facebook page.

Ang masigasig na ama ng Iriga City na si Hon. Mayor Rex Oliva.

Ang 2023 Miss Iriga City ay pangangasiwaan ng S Events and Style sa pangunguna ni Russel Isidro Simfuego, isang professional at tanyag na Events Group sa Bicol Area sa pakikipagkolaborasyon sa mga batikang pageant events team na sina Stage Director Jojo Mangalino, at Technical Director/Choreographer Andrew Duma-up at ang inyong lingkod bilang Events Continuity Writer, Francis D. Calubaquib.