Ternocon 3 workshop-mentoring nagtatapos

Ang unang lock-in workshop-mentoring ng Ternocon 3 ay isinagawa noong

nakaraang linggo sa Teachers’ Conference Center sa Batangas City ay nagtapos noong Hulyo 10, 2022.

Para sa huling araw ng workshop, nakakumpleto ang finalists ng kanilang toiles (isang inisyal na bersyon ng isang kasuotan) para sa kompetisyon at iprenisenta ang mga ito sa mentors na sina Joey Samson, Dennis Lustico and Chito Vijandre with Ricky Toledo. Kinagabihan, isang closing program ang isinagawa at hosted ng City Government ng Batangas sa Sampaguita Farm kung saan naroon ang Cultural Center of the Philippines President at officer-in-charge ng Artistic Director’s Office na si Margarita Moran-Floirendo kasama si Atty. Reginald Dimacuha, ang Chief of Staff at Secretary to the Mayor ng Batangas City. Ang 1930s balintawak ternos na nilikha ng finalists ay isinuot ng mga mananayaw ng Likhang Sining Dance Company sa isang espesyal Subli dance na pagtatanghal.

Sa unang lock-in workshop-mentoring ng Ternocon 3, kasama ni Cultural Center of the Philippines President at officer-in-charge ng Artistic Director’s Office na si Margarita Moran-Floirendo (ikaanim mula sa kaliwa) ang mga bumubuo ng nasabing kompetisyon para sa fashion designers.

Kinilala ng Ternocon Artistic Director na si Gino Gonzales ang patuloy na suporta ng CCP at Bench sa pamamagitan ng kabutihan ni Ben Chan, na siyang Chairman. Hinarap niya ang finalist at sinabing “Ternocon allows its participants to undergo a process that involves attitude change, as we are not merely addressing fashion or dress issues.  Our country has so many problems, and we simply cannot solve everything.  As designers, you can be part of the solution by dealing with issues within your backyard.  When you grapple with the national dress and make it for your countrymen, you make a significant contribution to the nation. At Ternocon, we all come from different backgrounds and perspectives, different religions, different regions, different political inclinations… but what unites all of us together is our love for country, and I think this should be your primary motivation for creating ternos that will be showcased at the CCP stage in the final phase of this competition.  Love for country.”

Sa kanyang closing message, binigyang-diin naman ni Floirendo na, “Ternocon has somehow made a good impact on how Filipinos of today think of the terno.  We have seen a remarkable increase in the number of Filipinas wearing the terno for many different occasions.  Despite this, we all know that we still have a long way to go in fulfilling our mission.  But with everyone’s support and cooperation, we can succeed.”

Ang 12 finalists ay sina: Amor Albano (Ilocos Norte), Glyn Alley Magtibay (Oriental Mindoro), Bon Hansen Reyes (Rizal) at Gabbie Sarenas (Rizal) mula sa Luzon.  Sina Bree Esplanada (Cebu), Karl Nadales (Iloilo), Al Rey Rosano (Negros Oriental) at Marc Carcillar (Iloilo) ay mula sa Visayas.  Samantala, sina Glady Rose Pantua (Zamboanga) at Ron Santos (Davao) ay mula sa Mindanao.  Mula sa National Capital Region (NCR), Yssa Inumerable (Parañaque) at Cheetah Rivera (Quezon City).  Ang three semi-finalists na mula sa Batangas at NCR ay sina Geom Hernandez, Dee Javier (Manila) at Daryl Maat (Caloocan).

Ang Ternocon 3 ay isang joint undertaking ng CCP sa pamamagitan ng kanilang Cultural Exchange Department at Bench/Suyen Corporation sa kooperasyon ng local partners, Batangas City Government at Barasoain Kalinangan Foundation Inc.

Ang next round ng consultations (face-to-face at online) ay gaganapin sa Agosto-Setyembre, habang ang 2nd part ng workshop-mentoring ay gaganapin sa Oktubre 2022. Ang final competition na may cultural show ay nakatakda sa Enero 28, 2023 sa bagong CCP Black Box Theater o Tanghalang Ignacio Gimenez.

Sa unang lock-in workshop-mentoring ng Ternocon 3, kasama ni Cultural Center of the Philippines President at officer-in-charge ng Artistic Director’s Office na si Margarita Moran-Floirendo (ikaanim mula sa kaliwa) ang mga bumubuo ng nasabing kompetisyon para sa fashion designers.