Sa bagong implementasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) magtataas ng terminal fee o passenger service charge na epektibo nang magsisimula ngayong Setyembre 14, kasabay ng unang anibersaryo ng pagpasa ng operasyon ng NAIA sa pribadong sektor.
Base sa Manila International Airport Authority (MIAA) Revised Administrative Order No. 1, para sa international passenger na may pagbabayad noon mula sa dating P550, sasampa na ito ng P950 habang sa domestic passenger na dating P200 ay sasampa na ng P390. Sa taas-presyo, bahagi nito ay sa gagastusin para sa pagpapaganda, maintenance at seguridad ng paliparan.
Samantala, nilinaw ng pamunuaan na hindi kasali rito ang overseas Filipino workers, religious pilgrims (lalo na ang Hajj at Umrah), flight crews, Medal of Valor awardees, mga atleta para sa internasyonal na kompetisyon o mga delegado ng Philippine Sports Commission, at mga sanggol na may edad 2-taong gulang pababa.
Paliwanag pa ng pamunuan, ngayon na lamang nagtaas ng singil sa terminal fee makalipas ang dalawang dekada at nananatiling pinakamababa pa rin sa Southeast Asia ang singil ng NAIA kumpara sa ilang bansa sa Asya.

