Tara sa Hong Kong, bisitahin ang Regala SkyCity Hotel

Para sa maraming Pilipino, Hong Kong ang pinakamadaling puntahan para mamasyal at mag-relax o kaya naman ay para sa business meetings.

Halos dalawang oras lang kasi ang biyahe by plane papunta rito. Complete package rin ang Hong Kong for both leisure and business at at mayroon pang 90-day visa-free stay!

Maraming parks, museums, at nature reserves sa Hong Kong na swak na pasyalan para sa lahat. Nandito rin ang happiest place on earth — ang Disneyland!

Shoppers’ paradise din ang Hong Kong mula sa trendy boutiques to traditional stores na nagtitinda ng high-end luxury products, Chinese products at collectible items. Kaya naman hindi namin pinalampas ang imbitasyon ng Regala SkyCity Hotel para makabalik sa Hong Kong matapos ang global health pandemic, nito lamang Nobyembre 20-23, 2023.

Ang Regala ang pinakabagong brand mula sa Regal Hotels International (RHI) na nasa industriya ng hospitality sa mahigit na 30 taon.

Ang VFC Travel and Tours ang regional sales office at tanging representative ng RHI sa Pilipinas. At lubhang napakaganda at seamless ang itinerary na binigay sa aming group of five PH media representatives kasama ang celebrity influencer na si Ashley Ortega.

Located in SKYCITY at Hong Kong International Airport, ang Regala hotel ang bagong pamantayan ng convenience and luxury!

Unahin natin ang tatlong pamosong restaurant ng Regala Skycity Hotel na tunay na binusog at inalagaan ang aming kalusugan habang kami ay namamasyal sa Hong Kong.

Vivace

VIVACE: MEDITERRANEAN FOOD

Napakaganda ng modern design Ng Vivace — a lively mixed of colors and interesting structures. Hindi nakapagtatakang napanalunan nito ang Best Hotel Restaurant Interior (Hong Kong) by International Property Media Ltd 2023.

Friendly at hospitable din ang head chef nito at staff na karamihan ay mga Pilipino. Kaya sobrang natuwa kami na kababayan natin ang naghanda ng aming una at welcome lunch sa Hong Kong.

Roasted Turkey Crown

Higit sa lahat, napakasarap ng specialty nito — healthy, Mediterranean food. Ang kanilang Thanksgiving special menu na Roasted Turkey crown ang aming main dish. Parang pista na kami ay nagsalo-salo ng semi-buffet tapas, sariwang prutas at ensaladang gulay. May appetizers, soup, at dessert pa.

Ang unang PH media visit sa Regala Skycity Hotel ay inayos ng VFC Travel and Tours. Nasa larawan ang mga kalahok, mula sa kaliwa: Ruby Asoy, Leony Garcia, Renee Kim, Ashley Ortega, Vivien Chan, Raymond Chan, Beckie Recio, Alfie Macadangdang, at Ivan Tso.

THE JADE: THE FINEST CHINESE CUISINE

Maingat namang pinili ni Hotel Manager Karl Sun ang finest selection of Chinese food para sa aming private and exclusive Reception Dinner sa The Jade. Kasama si Regala Skycity General Manager Renee Kim, isang masarap na 7-course dinner at may kasamang red wine ang aming pinagsaluhan. Isang unforgettable authentic cuisine dining experience ito para sa amin.

The Jade

Ayon kay Kim ang kanilang Executive Chinese Chef ay bihasa hindi lamang sa Cantonese kundi pati na rin sa regional Chinese cuisines. “We have dynamic dishes from Beijing, Shanghai, Sichuan province, and many more. People like to try food from different parts of the world. Dimsum is a good representation of Hong Kong.”

 

PETRA: INTERNATIONAL CUISINE

Mayroong live cooking stations sa Petra na nasa ground floor ng hotel for people on the go. All-time dining area ang Petra na may international food tulad ng Southeast Asian fare, exotic Indian curry specialties, delicate Japanese cuisine, at iba pa.

May on-site contactless ordering system si Petra at lahat ay maaaring matikman tulad ng assorted cold seafood station, authentic Southeast Asian fare, exotic Indian curry specialties, at delicate Japanese cuisine.

Petra

Mayroon ding Wagyu Carving Station, Spanish dishes and snacks such as sliced ​Spanish ham, Spanish chorizo ​​with white wine boiled clams, Galician-style octopus, Spanish churros with chocolate sauce, unlimited serving of dessert at maraming pang iba.

Hindi rin namin malilimutan ang farewell namin sa Petra na choice of seabass or slow-cooked beef in big serving at ang sari-saring kape na tunay na nakakagising! Salamat din sa maasikaso at friendly staff ng Petra na karamihan naman ay Koreano.

Para sa impormasyon at detalye tungkol sa Regala Skycity Hotel, bisitahin ang skycity.regalahotels.com

Regalas Sky Deck