Talkback sessions bida sa Cinemalaya 18

Sa pagbabalik ng Cinemalaya film festival sa nakagawiang on-site screenings, itatampok dito ang eight-day talkback sessions kasama ang mga direktor ng pelikula na kalahok sa kompetisyon, na sinimulan noong Agosto 3 at magtatapos hanggang Agosto 13, 2022.

Layon ng Talkback session na makapagbigay ng pinakamahusay na oportunidad sa mga manonood upang magkaroon ng lalim ang kanilang pag-unawa sa pelikulang kanilang napanood sa pamamagitan ng diskusyon sa mga filmmaker.

Ang mga sumusunod na talaan ay para sa Talkback sessions para sa kompetisyon ng mga pelikula (full-length films at short features), na gaganapin sa CCP Cinemalaya Tent at Main Gallery.

May tatlong plano rin sa napiling malls, partikular sa Megamall, Glorietta, at TriNoma:

Sa Agosto 6, 5:30 PM, si director Rainerio C. Yamson II ay mangunguna sa diskusyon ng kanyang pelikulang Angkas (The Backride) na gaganapin sa Cinemalaya Tent. Ang Angkas ay kuwento ng dalawang nagkahiwalay na magkaibigan na umaayos ng nasira nilang nakaraan habang naglalakbay sakay ng habal-habal upang sunduin ang bangkay ng yumao nilang kaibigan. Sa ganap na 6:30 PM, sa parehas na lugar, magkakaroon din ng diskusyon si director Real S. Florido para sa kanyang pelikulang Bakit Di Mo Sabihin (Tell Her). Ang obra ay tungkol sa mag-asawang bingi na nadiskubre na ang naghihiwalay sa kanila ay hindi ang kawalan ng kakayahang makipag-usap sa salita o naririnig.

Sa Agosto 7, 5:30 PM, ilalahad ni director Ronald Espinosa Batallones ang kanyang pelikulang Batsoy, na gaganapin sa Cinemalaya Tent. Ang Batsoy ay tungkol sa dalawang batang magkapatid na nagsimula sa kanilang hindi kapani-paniwalang pakikipagsapalaran upang matugunan ang kanilang matindi at masarap na gutom para sa batsoy. Sa ganap na 8:30 PM, si director Roman S. Perez Jr. ang gigitna sa talakayan para sa kanyang pelikulang Kaluskos (Rustles) sa parehas na venue. Ang obra ay tungkol sa isang single mother na nasa gitna ng hindi pagkakaunawaan sa kustodiya na nakadiskubre ng kung ano sa ilalim ng higaan ng kanyang anak na kanyang pagdududahan kung totoong mahal niya ang bata.

Sa Agosto 8, 5:30 PM, tatalakayin ni director Sheenly Gener ang Bula sa Langit (Trigger) sa CCP Main Gallery. Ang obra ay tungkol sa isang batang sundalo na nagbabalik sa kanyang tahanan matapos na makaligtas sa kaguluhan at mahaharap sa panibagong gulo. Samantala, ang talkback para sa Shorts A ay sa ganap na 8:30 PM sa Cinemalaya Tent. Inilalahad ng Shorts A ang anim na pelikula: Roundtrip to Happiness na idinirehe ni Claudia Fernando; Mata Kang Busay (Vision of The Falls) ni Niño B. Maldecir; Ampangabagat Nin Talakba Ha Likol (It’s Raining Frogs Outside) ni Maria Estela Paiso; Kwits (Quits) ni Raz de la Torre; Mga Handum Nga Nasulat sa Baras (The Dreams That Are Written On The Sand) ni Arlie Sweet Sumagsay at Richard Jeroui Salvadico; at City of Flowers ni Xeph Suarez.

Sa Agosto 9, 5:30 PM, ikukuwento ni director Carlo Obispo ang kanyang pelikulang Baseball Player sa Cinemalaya Tent. Ito ay tungkol sa isang batang sundalong Moro na pangarap na maging isang baseball player sa gitna ng isang all-out war. Ang talkback para sa Shorts B ay sa ganap na 8:30 PM sa nasabing venue. Ang Shorts B ay kinabibilangan ng anim na pelikula: Si Oddie na idinirehe ni Maria Kydlee Torato; Duwa-Duwa (The Play) ni Nena Jane Achacoso; Distance ni Dexter Paul De Jesus; Dikit ni Gabriela Serrano; See you, George! ni Mark Moneda; at Black Rainbow ni Zig Dulay.

Sa Agosto 10, 6:30 PM, ilalahad ni director Christian Paolo Lat ang kanyang pelikulang Ginhawa (Solace) sa Megamall. Ang obra ay patungkol sa sa isang aspiring na boksingero na nasusuntok ng malupit na realidad ng isport habang lumalaban siya sa tuktok. Sa ganap na 8:00 PM, sa Glorietta, si director TM Malones ang tatalakay sa kanyang pelikulang Kargo (Cargo). Ito ay tungkol sa isang babae na sa wakas ay nakaganti sa taong pumatay sa kanyang buong pamilya upang palayain ang kanyang sarili mula sa mabigat na pasanin ng kanyang nakaraan.

Sa Agosto 11, 5:30 PM, bukas sa diskusyon ang 12 Weeks na pangungunahan ng direktor na si Anna Isabelle Matutina sa CCP Main Gallery. Ang pelikula ay tungkol sa isang single, 40-taong gulang na babae habang nahaharap sa pagiging ina. Sa parehas na venue, isusunod ang isa pang talkback para sa Ginhawa (Solace) sa ganap na 8:30 PM kasama ang direktor na si Christian Paolo Lat.

Sa ganap na 3:30 PM, magkakaroon ng diskurso sa TriNoma para sa mga direktor na sina Cynthia at Milo Paz sa kanilang pelikulang Retirada (The Retiree). Isasalaysay ng pelikula ang kuwento ng bagong libangan ng isang retiradong opisyal ng gobyerno na nagdudulot ng existential crisis at problema sa pananalapi.

Sa Agosto 13, 3:00 PM, ang Kargo (Cargo) ay magkakaroon muli ng diskuyon kasama si TM Malones sa Cinemalaya Tent. Susundan ito sa ganap na 8:30 PM, ang huling talkback ay makakasama sina direktor Cynthia at Milo Paz para sa pelikulang Retirada (The Retiree).

Sa ika-18 na edisyon nito, ang temang Breaking Through The Noise ay sumasalamin sa ideya na ang Cinemalaya 2022 ay buhay at nagbabalik sa in-house showing ng iba’t ibang pelikula at umaasa sa isang mas maliwanag na hinaharap. Ang pangunahing visual nito, lalo na ang eyeball, ay nagpapahayag ng pag-iisip ng pagpapatuloy at kaugnayan ng independiyenteng sinehan ngayon.

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa CCP (www.culturalcenter.gov.ph) at Cinemalaya (https://cinemalaya.org/) websites. Sundan ang opisyal na CCP social media accounts sa Facebook, Twitter at Instagram para sa latest updates.