Talent, inclusivity ipinamalas sa ‘Show Your Groove’

Ang mga nakibahagi sa dance competition na Show Your Groove 2026, isang natatanging okasyon na nagtipon-tipon ng iba't ibang komunidad upang ipagdiwang ang kapangyarihan ng sayaw at inklusibidad. (Kuha ng Kidz Groove TV)

Gaya ng inaasahan, malaking suporta ang ginanap na Show Your Groove 2026 na Hip-Hop Dance Competition na ginanap sa Activity Center, Glorietta, Makati noong August 31.

Ang kompetisyon ay naging bukas para sa pro dancers kasama ang mga neurodivergent na indibidwal, kabilang ang mga may autism spectrum disorder (ASD), attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), Down syndrome, at iba pang kondisyon sa pag-unlad.

Ang event ay isang pagdiriwang na nagpamalas ng talento at inklusibidad sa pagtutulungan ng Globaltronics, MettaCity, Special Olympics Pilipinas, at Kidz Groove, at The PARC Foundation.

Nilalayon nito na ipakita ang mga artistikong pagpapahayag ng mga magkakaibang kalahok habang pinalalaganap ang isang kultura ng pagtanggap at suporta sa mas malawak na komunidad.

Sa harap ng 500 manonood at higit sa 60 mahuhusay na kalahok, tampok sa show ang tatlong masiglang kategorya: Open Style, Hip-Hop Duo, at Hip-Hop Group. Ang event ay higit pa sa isang tradisyonal na kumpetisyon sa sayaw, binibigyang-diin din nito ang kahalagahan ng inklusibidad at ang pagdiriwang ng talento sa lahat ng anyo nito.