Taas-presyo sa produktong petrolyo tuloy pa

Panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang aasahan sa Hulyo 2. Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng mga pagtaas.

 

Tinatayang pagtaas ng mga presyo ng petrolyo

Diesel: P0.30 – P0.70 kada litro

Gasoline: P0.50 – P1.00 kada litro

Kerosene: P0.20 – P0.50 kada litro

Ang rason sa patuloy na pagtaas ng presyo ay dahil din sa patuloy na tensyong politikal ng Ukraine na umatake sa mga refinery ng Russia. Kasama rin dito ang gulong kinasasangkutan ng Israel sa Middle East.