Taas-presyo sa produktong petrolyo asahan

May aasahang pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes, Enero 16.

Ang tinatayang pagtaas ng mga presyo sa mga sumusunod:

Diesel: P.80 – P1.00 kada litro

Kerosene: P0.70 – P0.90 kada litro

Samantala, magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa gasolina (P0.20 – P0.40 kada litro) o walang paggalaw dito.

Ang pagtaas ng presyo ng mga naturang produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng nagaganap na kaguluhan ng Israel at Gaza, at ang pag-atake sa commercial ships sa Red Sea.