Taas-presyo sa LPG ngayong Disyembre

May pagtaas ng presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng Disyembre, ito ang anunsyo ng Petron Corporation.

Ang pagtaas ay sa halagang P1.20 kada kilo o katumbas ng P13.20 sa 11-kilogram na LPG cylinder na handa nang ipatupad sa ganap na ika-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 1, 2024.

Dagdag pasanin ito dahil sa kasalukuyan ang presyo ng mga 11-kilogram LPG ngayon ay naglalaro mula P860 hanggang P1,140.