Suspensyon ng DOJ sa mga bagong patakaran sa pagbiyahe paibang bansa pinuri

Ang mga pasaherong matiyagang pumipila sa check-in counters ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City noong Nobyembre 25, 2022. (Kuha ng Bilibb)

Pinuri ng Capstone-Intel Corporation, isang pribadong pananaliksik at intelihensyang ahensya, ang kamakailang pahayag ng Department of Justice’s (DOJ) sa pagsususpinde ng mas mahigpit na polisiya para sa mga Pilipinong maglalakbay paibang bansa, at idinagdag na mas kailangang pagtibayin ng pamahalaan ang mga batas sa pagpuksa sa ugat ng pananamantala at pangangalakal ng tao sa mga Pilipino.

Ayon kay Atty. Nic Conti, Chief of Public Affairs ng Capstone-Intel, ang suspensyon na ginawa ng DOJ ay nagpapakita na ang mga awtoridad, bilang lingkod-bayan, ay dumidinig sa apila ng publiko hinggil sa bagong polisiya.

“We commend the justice department for suspending the implementation of what it called to be ‘stricter’ policies to eradicate human trafficking among our countrymen,” ani Conti.

“While we believe the intention of the IACAT is good, it is imperative that they listen rigorously to the other implications of the policies for the Filipino public,” dagdag nito.

Sinabi rin ng abogado na ang lahat ng mga Pilipino, anuman ang mga estado, ay hindi dapat mahadlangan sa kanilang karapatan sa paglalakbay na nakasaad sa Konstistusyon ng bansa.

“As stipulated in Article III, Section 6 of the 1987 Philippine Constitution, it guarantees every Filipino’s liberty to travel, and it should not be curtailed by anyone regardless of their power unless national security, public safety, and health are at stake,” aniya.

Ang DOJ, na nangangasiwa sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), ay nakapagpasya na pansamantalang isuspinde ang implementasyon ng mga binagong alituntunin para sa mga Pilipinong nais makabiyahe palabas ng bansa matapos umani ng batikos mula sa publiko at mga mambabatas.

Sinabi rin niya na ang kailangan ng pamahalaan ay ang legal na mga hakbang na magpapatibay sa batas ng Pilipinas laban sa pananamantala at pangangalakal ng tao upang matiyak na ang mga Pilipino ay may karapatang sa paglakbay nang walang takot na isakripisyo ang kanilang kaligtasan.

“What our government needs are laws that stabilize the arrest of recruiters who exploit our people and make sure that the workers here have adequate protection so that the majority of the Filipinos won’t be affected by this and allow them to enjoy their right to leave the country without experiencing difficulty in presenting documents that are not that important for the purpose of their travel,” diin ni Conti.

Ayon sa DOJ, ang pangunahing layunin ng inamyendahang alituntunin ay para “ireorganisa ang pamamaraan ng pag-alis” upang matiyak na mayroong “mas episyente at ligtas na proseso” sa bawat Pilipinong bibiyahe paibang bansa, kung saan, ayon kay Conti, ay makababawas sa pasanin ng publiko kung higit na magagamit ng pamahalaan ang mga modernong teknolohiya at kagamitan upang bawasan ang paggamit sa papel at mapataas ang produktibidad ng mga opisyal nito.

“I definitely agree with the goal of streamlining the departure process, and I think it would be better if we maximize our tools in today’s digital age. Aside from paperless transactions, it also accelerates our personnel’s productivity, which would allow them to serve more travelers,” aniya.