SPYC Batch 4 malugod na tinatanggap ng CCP, Andrea O. Veneracion Sing Philippines Foundation

Ang Sing Philippines Youth Choir Batch 4.

Ang ikaapat na pangkat ng Sing Philippines Youth Choir (SPYC) ay malugod na tinatanggap ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa pamamagitan ng Cultural Exchange Department (CED) at Andrea O. Veneracion Sing Philippines Foundation. Ang SPYC ay binubuo ng 39 na mang-aawit mula sa 24 na lalawigan at lokal na komunidad sa buong bansa.

Nasa Maynila ang SPYC mula Hulyo 19 hanggang ika-23 upang sumailalim sa isang linggong music camp na pangungunahan ng Philippine Madrigal Singers (MADz) Choir Master na si Mark Anthony Carpio at ibang mga dalubhasa sa larangan ng musika. Magkakaroon din sila ng espesyal na partisipasyon sa gaganaping konsyerto ng MADz bilang parte ng AOV International Choral Festival na ilulunsad sa ika-23 ng Hulyo sa Samsung Performing Arts Theater sa lungsod ng Makati.

Ang pinakaunang pangkat ng SPYC na nabuo noong 2014, na may 50 na mang-aawit na mula sa 19 na lalawigan ng bansa, ay sumasailalim sa isang linggong music camp na pinangunahan din ni Carpio. Ang Sing Philippines ang nagbigay buhay sa pananaw ng National Artist na si Andrea O. Veneracion na isang bansang nagkakaisa sa musika. Ang ikalawang pangkat naman ay nabuo noong taong 2016 na mayroong 50 mang-aawit na nagmula sa 26 na lalawigan, ang ikatlong pangkat naman na nabuo noong 2018 ay mayroong 51 na mang-aawit mula sa 37 na lugar.

Ang Sing Philippines Youth Choir Batch 4 kasama ang head ng Cultural Exchange Department na si Chinggay Bernardo.

Noong 2019, ang tour group na binuo mula sa unang tatlong pangkat ay lumaban at nanalo ng 2nd prize at Gold Diploma sa kategorya ng Classical Mixed & Equal, Gold Diploma sa kategoryang Ethnic noong 2022 sa Busan International Choral Festival and Competition.

Ang ikaapat na pangkat na nabuo sa kasagsagan ng pandemya ay sumailalim sa virtual na pagsasanay at pagsasagawa. Sa taong ito, nagkaroon na rin sila ng tsansa na bumuo ng musika nang harap-harapan. Ang iba sa kanila ay nagbahagi ng pagkasabik sa gagawing pagbuo ng musika at sa kung ano ang maibibigay ng music camp sa kanila bilang mga artist at indibidwal:

“Two things: the appreciation of the value and beauty of discipline, and the joy of creating beautiful pieces of art alongside people with whom I share the same aspirations that facilitate peace, love, and unity,” ani Jeannard Ticong, tenor, Baguio City.

“Art loses meaning when it does not connect with hearts and souls. This music camp will give me a better view and a richer understanding of this wonderful reality,” ani Rene Derek Joseph Inapan, Cebu City, Bass.

“The F2F Music Camp and Performance gives a significant privilege of sharing the beauty of actual vibrations.  Beyond that, choral singing is honing deeper all the dimensions of man (physical, sociopolitical, emotional, spiritual) especially now that we are giving rebirth after the pandemic the unending quest of developing excellence through music making,” ayon naman kay Alshamir Bryan Arripudin, alto, Zamboanga City.

Ang music camp daily sessions ng ikaapat na pangkat ng SPYC ay gaganapin sa Pranja Hall of the Fo Guang Shan Mabuhay Temple (FGSMT) sa Maynila. Ang FGSMT ay isang aktibong kasosyo at tagasuporta ng CCP lalo na sa mga outreach program at cultural exchange. Noong 2022, sila rin ang nag-host ng SPYC tour group bago sila nakipagkompetensya sa Korea at sa taunang Kutitap, multi-arts camp para sa mga batang katutubo.

Sa ngayon, ang SPYC ay mayroon nang 213 na mang-aawit na nagmula sa 56 na lugar sa buong bansa.