Special concert series 2022 sa CCP

Ang mga magtatanghal sa Special Concert Series na sina, mula kaliwa, Stefanie Quintin, Ivar Fojas, at Ricson Poonin

Inihahandog ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang Special Concert Series, isang series ng solo concerts ng mga kilalang Filipino musicians sa Setyembre, Oktubre, at Nobyembre 2022, sa ganap na ala-7:30 ng gabi sa CCP Tanghalang Ignacio Gimenez (Black Box Theater).

Sisimulan ang pagtatanghal ni Stefanie Quintin, isang soprano na kinilalang “a voice with remarkable flexibility and a truly commanding musical presence”, sa Setyembre 7. Ipamamalas niya ang musika mula sa Renaissance hanggang sa kasalukuyan na sasamahan ng ilang world premieres sa kanyang repertoire. Ang iba sa marami niyang nakamit ay ang premier performance ng mga composers tulad nina Dr. Ramon Santos, ang Philippine National Artist for Music, at ng American composer na si Eli Marshall. Nagkaroon din siya ng solo performances sa AsiaEurope New Music Festival sa Vietnam, Yilan International Arts Festival sa Taiwan, soundSCAPE Festival sa Italy, Baroque Festival sa Singapore, at International Bamboo Organ Festival sa Amerika (Philippines).

Ang ikalawang concert sa series ay katatampukan ni trombonist Ricson Poonin sa Oktubre 12. Bilang isang soloist, si Poonin ay kinilala sa pagpapamalas ng kanyang signature musicality, sound technique, at adaptability. Si ay nagtapos sa UST noong 2009 na may Bachelor of Music, Trombone Performance Major. Nagwagi rin siya ng first place sa UST solo competition at sa National Music Competition for Young Artists Solo Category C.

Sa huli, ang guitarist na si Ivar Fojas ang masasaksihan sa Nobyembre 16. Si Ivar ay isang Fulbright scholar na noong 2011 ay nagkamit ng doctorate mula sa University of Arizona’s acclaimed Bolton Guitar Studies Program. Bago ang kanyang pagsisimula sa kanyang Ph.D. studies, si Ivar ay abala bilang isang performer na mayroong solo recitals at nagtanghal bilang isang featured soloist kasama ang orchestras tulad ng Manila Symphony Orchestra at Peace Philharmonic Philippines. Lumahok na rin siya sa master workshops ng classical guitar greats.

Para sa iba pang impormasyon, sundan ang official CCP social media accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Maging bahagi ng Masterclass, tumawag sa CCP Artist Training Division sa 8832-1125 loc. 1605 o mag-email sa artist.training@culturalcenter.gov.ph