Solusyon sa matindi, makapit na mantsa sa tiles

Ubos-lakas at oras talaga ang tanggalin ang makapit na mantsa sa tiles – sa kusina man o banyo. Ang karaniwang mantsa sa tiles ay ang molds, mildew, at watermarks.

Ito ang simple pero epektibong solusyon sa pagtanggal ng mantsa sa tiles:

– Gumamit ng solution: paghaluin ang ¾ cup ng bleach at ¼ cup ng muriatic acid (mabibili sa grocery stores, piliin ang magandang klase)

– Agad na ibuhos sa mantsa sa sahig

– Hayaan at iwan nang 20-30 minutes

– Kuskusin gamit ang cleaning brush

Tandaan, bago ang paglilinis, gumamit ng gloves, face mask, at proteksyon sa mata gaya ng goggles. Puwede na rin ang eyeglasses.

Para sa mantsa sa dingding, ilagay ang solution sa spray bottle saka gamitin. Hayaan at iwan sa parehas na oras.

Kapag may kaunti pang natirang mantsa, subukang gamitan ng liha na pangkahoy at piliin ang grit mula 100-220 depende sa pagkakapal at pagka-stubborn ng mantsa sa tiles.

Sa paglilinis sa tile grout, kapag masyadong makapit ang dumi ay maaaring gamitan ng fine steel brush.

Upang maiwasan ang matinding mantsa, kailangan nang regular na paglilinis ng banyo.