Sobrang lakas na pagbahing delikado

Natural na depensa ng katawan ang pagbahing laban sa substances na nakaiirita sa membranes lining ng ilong.

Sa pagbahing, inilalabas din nito ang irritants, ang uhog na mula sa ilong bilang response ng lalamunan at dibdib sa nerve signals. Ang irritants na ito ay maaaring usok, alikabok, food allergies, balahibo, pollen, at maaari ring dahil sa panahon.

 

Sobrang lakas na pagbahing delikado

Ang sobrang lakas na pagbahing ay maaaring makasira ng tadyang (ribs). Sa tuwing tayo ay babahing, mataas ang pressure sa dibdib (at abdomen). Kung mahina ang katawan, dahil sa katandaan o may osteoporosis ay maaaring masiraan ng buto.

Sa malakas na pagbahing ang muscles sa dibdib ay dumidikit sa ribs. Ang grabeng pwersa ay mabilis na hinihila ang mga buto paloob at ang hangin naman ay lalabas na sumasalo sa ribs kaya nagkakaroon ng bitak sa buto.

May kaso rin ng pagbahing ang nakasira sa maselang lining sa utak na naging daan sa subarachnoid haemorrhage, na isang uri ng stroke. May ibang layers kasi ng utak na mayroong dugo sa mga ito. Dahil ang ibang layers nito ay may function na magbalik ng dugo sa ugat at pabalik sa puso (na may pagtaas ng presyon ng dugo) dahilan naman para pumutok ang nasabing layers.

Nataas ang blood pressure kapag malakas ang pagbahing. Samakatuwid, ang mga lining ng utak na iyon ay maaaring mapunit kung mayroong malakas na pagbahing o kung mahina ang mga lining na ito. Maaaring lumabas ang dugo bilang resulta, na humahantong sa mga agarang problema tulad ng stroke.

 

Hindi nahinto ang tibok ng puso kapag tayo ay nabahing

Paliwanag ng sensya, ang intrathoracic (ang loob o sa thorax – gitnang bahagi ng katawan sa ibaba ng leeg at ibabaw ng baywang) pressure ng katawan ay sandaling tumataas kapag nabahing. Ito ang dahilan kaya nababawasan ang dugo na matatanggap ng puso. Kino-compensate ito ng puso sa pamamagitan ng pansamantalang pagbabago ng normal na tibok ng puso para makapag-adjust. Gayunman, sa pagbahing, ang electrical activity ng puso ay nagpapatuloy.

 

Iba pang katotohanan sa pagbahing:

Nakatutulong ang pagbahing para maging epektibo ang function ng ilong.

Para sa ibang tao, ang liwanag kabilang ang sikat ng araw ay nakababahing. Suspetsa ng experts ito ay genetic.

Hindi tayo nabahing kapag tayo ay natutulog. Ito ay dahil ang muscles ay naka-relax at ang reflex reactions natin ay naka-shutdown.

Kapag nabahing, ito ay maaaring maglakbay na aabot sa 8m (26ft) at airborne nito ay mananatili ng ilang minuto.