Ang Snap Fitness, na kinikilala bilang pangalawang pinakamalaking prangkisa ng gym sa buong mundo, ay proud na ihayag ang engrandeng muling pagbubukas nito sa Cubao Spark Place sa Pilipinas.
Nakatuon sa pagbibigay-inspirasyon sa mga indibidwal sa lahat ng background na magpatibay ng isang mas aktibong pamumuhay, ang muling paglulunsad na ito ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang sandali para sa parehong fitness community at mga prospective na negosyante at mamumuhunan sa negosyo.
Ang inaugural na pagdiriwang, na ginanap noong January 22, ay nagtampok sa dedikasyon ng tatak sa pagpapaunlad ng positive lifestyle choices sa mga miyembro nito. Dito nagkaroon ng isang ribbon-cutting ceremony, na kinumpleto ng isang live na pagtatanghal mula sa mang-aawit at mamumuhunan na si Elaine Duran.
Ang relaunch ng Snap Fitness ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang pag-unlad hindi lamang para sa tatak mismo kundi pati na rin para sa sektor ng gym sa Pilipinas.
Ang Snap Fitness ay nakatuon sa pagbibigay ng safe at inviting atmosphere, na may mga makabagong pasilidad, competitive pricing, at adaptable schedules. Ang gym na ito ay strategically designed para ma-integrate effortlessly ng mga busy na tao, na tinitiyak na ang kalidad at halaga ay hindi kailanman nakompromiso.
Sa paninindigan sa pilosopiyang “Do it for the feeling. Get moving in a snap,” hinahangad ng Snap Fitness na baguhin ang fitness landscape sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa inclusivity at accessibility. Sa pamamagitan ng cost-effective na modelo nito, inaalis ng Snap Fitness ang mga hadlang para sa mga gustong unahin ang kanilang health and wellness.
“Our gyms are for everybody, and everybody, and Filipinos of all walks of life are always looking for affordable and accessible opportunities to work out and get moving. We’re thrilled to join and be part of the growing local fitness industry and empower everyone to take charge of their health,” ani Vanessa Orendain, ang leader sa muling pagbubukas ng Snap Fitness Philippines.

“We’re excited by the relaunch of the Snap Fitness Philippines brand and the grand reopening of the Snap Cubao Spark Place branch. Even more exciting is that we are now about to start construction on our next branch in Makati, with more sites set to open soon,” aniya pa.
Ang muling paglulunsad ng Snap Fitness ay nag-aalok sa mga negosyante ng pagkakataong mamuhunan sa isang dynamic industry na may mahigit 1,000 club sa 20 bansa, na nagbibigay ng comprehensive support, financing, real estate assistance, at operational expertise.
Join the Movement
Snap Fitness ay nag-i-invite sa public ng experience fitness sa makabagong paraan.
Para sa iba pang detalye tungkol sa Snap Fitness memberships o franchising opportunities, magsadya sa snapfitness.com/ph.


