SN Aboitiz Power-Benguet, Inc. kinalala sa 12th Gawad Kaligtasan at Kalusugan

Sa ginanap na 12th Gawad Kaligtasan at Kalusugan (GKK), kinalala ang SN Aboitiz Power-Benguet, Inc. bilang National OSH Champion para sa Industry Category. Ang GKK ay proyekto ng Occupational Safety and Health Center na bahagi ng Department of Labor and Employment. Isinagawa ang okasyon sa tanggapan ng OSHC sa Quezon City noong Nobyembre 23, 2022. (Kuha ng Bilibb)

Aminado tayo na sa pandemyang dala ng COVID-19, lahat ay naapektuhan.

Habang nasa kasagsagan at sa patuloy pa ring epekto ng pandemya ngayon ay sinisilip din nang husto kung sino-sino ang naging bukas sa pagtulong at nagbigay ng konsiderasyon sa bawat isa.

Sa hanay ng mga negosyante, kumpanya, mga sektor – publiko o pribado, na nagpapatuloy para umandar ang ekonomiya ay naging malaking bagay na malaman ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung sino-sino ang mas naging tulong sa isa’t isa.

Sa isinagawang 12th Gawad Kaligtasan at Kalusugan (GKK) ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) na bahagi ng DOLE, dito ay kinalala nila ang natatanging tagumpay ng mga establisyimento at indibidwal sa mga tuntunin ng pagtugon sa mga pangangailangan sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa, ng mga lugar ng trabaho at komunidad.

Si Department of Labor and Employment Secretary Atty. Bienvenido E. Laguesma sa kanyang talumpati sa katatapos lamang na 12th Gawad Kaligtasan at Kalusugan ng Occupational Safety and Health Center ng naturang ahensya. (Kuha ng Bilibb)

Sa mandato ng OSHC, layunin nito na masuri at matiyak ang kaligtasan at kalusugan sa trabaho sa Pilipinas.

Ang National Awarding ng GKK ay ginanap sa OSHC sa Quezon City noong Nobyembre 23, 2022. Dinaluhan ito nina DOLE Secretary Atty. Bienvenido E. Laguesma, USec. Atty. Benjo Santos Benavidez at iba pang mga opisyal at ibang sangay ng gobyerno na bumuo rin sa okasyong ito.

The Gawad Kaligtasan at Kalusugan is ultimately not a competition where participants either win or lose. I would like to see it as an inclusive movement with a common direction where each one of us, big and small, learn from the others best practices toward many all-work traders better healthier and safer,” ani Laguesma.

Sa ginanap na 12th Gawad Kaligtasan at Kalusugan (GKK), kinalala rin ang STMicroelectronics, Inc. bilang Silver Awardee ng National OSH Champion para sa Industry Category. Ang GKK ay proyekto ng Occupational Safety and Health Center na bahagi ng Department of Labor and Employment. Isinagawa ang okasyon sa tanggapan ng OSHC sa Quezon City noong Nobyembre 23, 2022. (Kuha ng Bilibb)

Ang mga tumanggap ng 12th GKK Award ay ang sumusunod:

NATIONAL OSH CHAMPION

   Industry Category

SN Aboitiz Power-Benguet, Inc.

SILVER AWARD

   Industry Category

Cargill Oil Mills Philippines Inc.

Therma South Inc.

First Gas Power Corporation

SN Aboitiz Power Benguet Inc.

STMicroelectronics, Inc.

Filminera Resources Corp.

SN Aboitiz Power – Magat Inc.

FGP Corp.

Energy Development Corporation – Mt. Apo Geothermal Project

First NatGas Power Corp.

   Public Sector Category

Department of Science and Technology Region XI

   Individual Category

Hollis G. Fernandez – SN Aboitiz Power-Benguet, Inc.

Jessel Ellaga Pagsuguiron – Energy Development Corporation, Mt. Apo Geothermal Project

Arnel D. Gamao Jr. – Energy Development Corporation, Mt. Apo Geothermal Project

BRONZE AWARD

   Industry Category

Cognizant Technology Solutions, Inc. – Philippines

Individual Category: Glenn Leandrew M. Pitogo – Cognizant Technology Solutions, Inc. – Philippines