SM Foundation tagumpay sa bloodletting efforts; 4k bag ng dugo nakolekta

Ang mga empleyado ng SM na nakikilahok sa mga aktibidad ng bloodletting ng naturang kompanya.

Sa panahon para sa selebrasyon ng National Blood Donors Month, inanunsyo ng SM Foundation (SMFI) ang matagumpay nitong bloodletting efforts mula Pebrero hanggang Hunyo 2022, kung saan mahigit sa 4,000 bags ng dugo ang nakolekta.

Mula sa mga bag na ito, aabot sa 12,000 buhay ang maaaring maisalba at humaba – dahil ang isang bag ay maaaring makasalba ng tatlong buhay dahil maaaring maihiwalay ito sa tatlong bahagi: platelet concentrate, packed red blood cell, at fresh frozen plasma.

Ang magandang social effort na ito ay sa pagtutulungan ng Department of Health – Philippine Blood Center (DOH-PBC) at Philippine Red Cross (PRC). Ito ay bilang suporta ng Republic Act No. 7719, o ang National Blood Services Act of 1994 na nag-eengganyo at nagsusulong ng boluntaryong pagbibigay ng dugo upang makapagbigay ng supisyenteng suplay ng dugo para sa medical emergencies.

Para sa leg na ito, ang SMFI ay nakagawa ng kanilang bloodletting activities sa NCR, Baguio, Pangasinan, Nueva Ecija, Isabela, Cagayan Valley, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Quezon, Batangas, Bicol, Cebu, Leyte, Iloilo, Negros Occidental, Palawan, Cagayan de Oro, Davao, General Santos, Zamboanga, at sa SM Corporate Offices.

MGA ISTORYA NG PINAHABANG PAG-ASA

Ang SM blood bank, na itinatag noong 2011, ay nakatulong sa maraming mga Pilipino na nangangailangan ng dugo at blood products. Isa rito si Sherynel Narboneta, isang Senior Manager sa SM City San Lazaro, na hinilingan ng anim na units ng platelet concentrate o 1 unit ng plateletpheresis kada salin para sa kanyang biyenang lalaki na si Rolando F. Narboneta.

Si Narboneta ay nasuring may Myelodysplastic Syndrome na papunta sa Leukemia. Ayon kay Sherynel, ang paghingi ng dugo mula sa SM blood bank ay naging madali. Kahit na ang requests ay naibigay depende sa kung mayroon ang uri ng dugong kailangan, sinabi ni Sherynel na “From our experience, we received a confirmation on the same day.”

Bilang paraan ng pagganti, nagpahayag si Sherynel na handa siyang magbigay ng dugo sa hinaharap:

“Having readily available blood for medical emergencies would definitely save lives.”

Samantala si Gin Navarro, na nagtatrabaho sa isang kilalang convention center sa Pasay, ay isa sa maagang naging biktima ng COVID-19. Nakaranas siya ng matinding epekto ng naturang sakit at kinailangang masalinan ng dugo ngunit ang kanyang bihirang AB blood type ay nagpahirap din sa kanyang sitwasyon. Kinailangan nilang maghanap nito hanggang sa masumpungan nila ang SM Foundation.

Ang isa pang blood bank recipient ay si Marissa Araiz—isang pasyente sa Quirino Memorial Medical Center na dumaan sa hysterectomy. Sa kanyang operasyong nakatakda ng ala-7:00 ng umaga kinabukasan, nagtiyang maghanap ang kanyang anak na si Reece Ann Araiz ng dugo para sa kanyang ina. Nagpasalamat ang anak sa maagap na tulong ng SM Foundation. Ganap na alas-2:00 ng madaling-araw ay mayroon na silang dugong kinakailangan.

“We were at our wits end as we prepared for the surgery, the doctors, the room, the medicines plus the many expenses that would be incurred plus the blood that was needed for the operation. The hospital asked us to look for the blood and we didn’t know where to go until someone suggested we call SM Foundation and in no time at all, we got an immediate response at 2AM. And to top it all, it was for free!” pagbabahi ni Reece Ann.

Maliban sa bloodletting activities, ang SM Foundation ay nagtungo rin sa grassroots communities upang ibigay ang kanilang health at medical programs. Sa ngayon, nakagawa na sila ng bagong mahigit sa 170 health and wellness centers at nakasilbi na rin sa mahigit 1 milyong pasyente sa kanilang medical missions.