SIM card registration pinalawig pa ng 90-araw

Mula sa Abril 26 na deadline, pinalawig pa ng 90-araw ang ibinigay ng pamahalaan upang makapagparehistro ng SIM (subscriber identity module) cards ang publiko kung saan ay aabot na ito hanggang Hulyo 25, 2023.

Sa panibagong deadline, nanawagan si Senador Grace Poe na palakasin ang information dissemination ng Republic Act (RA) 11934 o ang SIM Registration Act.

“It should be emphasized that SIMs will still be available in local retailers and sari-sari stores even past the SIM Registration deadline. Users will simply be required to register first before they can activate their new SIMs,” ani Poe na siyang na namumuno sa Senate Committee on Public Services.

Sa datos ng National Telecommunications Commission nitong Abril 23 ay umabot sa 82,845,397 o 49.31 porsyento ng SIM cards ang nairehistro na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Globe: 37,099,437 or 42.77%

SMART: 39,949,785 or 60.25%

DITO: 5,796,175 or 38.73%