Short film entries sa Cinemalaya 2024 tinatanggap na

Inumpisahan na ng Cultural Center of the Philippines at Ci­nemalaya Foundation Inc. ang pagtanggap para sa pagsusu­mite sa Short Film Category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2024.

Ang takdang pagsusumite ay sa o bago ang ika-anim ng gabi ng Marso 8, 2024.
Lahat ng mga gumagawa ng pelikulang Pilipino ay malugod na tinatanggap na pumasok sa pinakamalaking independiyenteng kompetisyon ng pelikula sa bansa. Pinakamataas na tatlong (3) mga entry ang maaaring isumite ng mga interesadong partido; gayunman, isang (1) entry lamang sa bawat proponent ang maaaring piliin bilang finalist.

Ang entries na isusumite ay dapat na-produce mula Marso 3, 2023 hanggang Marso 8, 2024. Ang short film entries na lumahok sa iba pang local at international festivals at competitions ay kuwalipikado na sumali sa Cinemalaya. Gayunman, kung ang entry ay isinumite at napili finalist sa Cinemalaya at Gawad Alternatibo, ito ay awtomatikong tatanggalin mula sa Gawad Alternatibo lineup, na pabor sa Cinemalaya.

Ang Entries ay maaaring isumite ONLINE o OFFLINE. Sa online application, isumite ang lahat ng requirements sa https://forms.gle/gb4csK1rcDqFwnhs7. Kasama sa requirements ang completed entry form, synopsis in English, resume na may 2×2 photo/s ng filmmaker/s, at pinal na likha sa MP4 format, with violator/watermark (para sa screening purposes lamang) at pro­perly labeled na may title, production company, address at contact numbers, production date, director’s name, running time na hindi lalampas ng 20 minutes kabilang ang credits.

Sa offline na pagsusumite, ang opisina ng Film, Broadcast, at New Media Division ay matatagpuan sa Cultural Center of the Philippines Annex Building, Vicente Sotto St., Pasay City.

Sa offline na pagsusumite, ang entry ng pelikula, synopsis, at profile ng filmmaker ay dapat ipadala sa isang thumb drive (USB). Ang lahat ng ito ay kailangang ipadala na nakalagay sa isang mala­king brown envelope na malinaw na minarkahan ng pangalan ng proponent, pamagat ng pelikula, at iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan.

Sampung film finalists ang pipiliin ng Cinemalaya Selection Committee at ipapalabas mula Agosto 2 hanggang Agosto 11 sa 2024 Cinemalaya Film Festival. Ang mga pelikulang ito ay sasabak para sa prestihiyosong mga parangal sa Balanghai.

Inialay ng Cinemalaya ang sarili sa pagsulong at pagmemerkado ng independiyenteng sinehan sa Pilipinas mula noong 2005. Pangunahin, nag-aalok ito ng plataporma para sa paglikha ng mga independiyenteng gawang sinematikong Pilipino na buong tapang at malayang naglalarawan ng karanasang Pilipino nang may orihinalidad at estetikong integridad. Sa pamamagitan ng paglinang ng bagong henerasyon ng mga Filipino filmmakers, binubuhay ng Cinemalaya ang industriya ng pelikula sa Pilipinas sa panawagan nito para sa mga pagsusumite para sa 2024 short film competition.

Para sa buong mechanics, bisitahin ang website ng CCP (www.culturalcenter.gov.ph) at ang website ng Cinemalaya (www.cinemalaya.org). Sundan ang opisyal na CCP at Ci­nemalaya social media accounts sa Facebook, X, Instagram, at TikTok para sa higit pang mga update.