Malls sa Metro Manila maaaring ibalik sa normal schedule

Maaaring ibalik sa normal na oras ng operasyon ang mga shopping mall sa Metro Manila, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Due to pre-emptive measures, the anticipated traffic problems during the Christmas season did not come to pass, and an easing in the flow of traffic in Metro Manila’s thoroughfares have been observed despite the increase in Christmas-related activities,” ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes.

“Thus, foregoing considered, shopping malls in Metro Manila may now begin operation as early as 9 a.m. starting December 23, 2022,” dagdag pa ni Artes, sa isang memorandum circular na inihayag sa shopping mall operators.

Sinabi pa ng hepe ng MMDA na layunin ng nasabing memo na bigyan ng mas maraming oras ang publiko na gawin ang kanilang huling minutong pamimili ngayon holiday season.

Inisyal na naging kasunduan ng MMDA at mga shopping mall operator na i-adjust ang kanilang operating hours sa ika-11 ng umaga hanggang ika-11 ng gabi simula Nobyembre 14 sa halip na kanilang karaniwang oras ng operasyon bilang isa sa mga remedial na hakbang upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila sa pagsisimula ng Kapaskuhan.