Ang SM Hotels & Conventions Corp. (SMHCC), ang hospitality division ng SM Prime Holdings, Inc., ay handa nang pumasok sa premium island tourism market sa pagpapakilala ng Shangri-La Santelmo Cove.
Ang nalalapit na coastal resort na ito, na binuo sa pakikipagtulungan sa Shangri-La Group, ay matatagpuan sa Hamilo Coast, sa south Luzon. Nakatakdang simulan ang operasyon nito sa 2031, ang resort ay matatagpuan sa isang tahimik na look at mag-aalok ng humigit-kumulang 40 villas at 50 rooms at suites.
Ang paglulunsad ng Shangri-La Santelmo Cove ay isang makabuluhang hakbang sa patuloy na pagsisikap ng SMHCC na pahusayin ang kanilang portfolio ng hospitality sa iba’t ibang segment at lokasyon sa buong Pilipinas.
“Shangri-La Santelmo Cove marks an important milestone in SM Hotels’ portfolio as we venture further into the island and leisure tourism landscape,” ani SMHCC executive vice president Peggy Angeles. “We look forward to developing a destination that… also demonstrates how luxury and responsible tourism can thrive alongside one another.”
“The Santelmo Cove project…allows us to introduce a new chapter of sustainable, nature-led luxury that reflects both the spirit of the destination and the values of our brand,” ayon naman kay Shangri-La Group’s Chief Operating Officer Sunny Paw.
Binibigyang-diin na ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang para sa kompanya habang pinalalawak ang presensya nito sa sektor ng island at leisure tourism landscape. Ang inisyatibong ito ay hindi lamang nagpapahusay sa mga offer ng kompanya sa larangan ng hospitality kundi nagbibigay din ng natatanging pagkakataon upang maimpluwensyahan ang hinaharap ng Philippine leisure destinations.
“It is an opportunity for SM Hotels to help shape the next generation of Philippine leisure destinations,” ayon pa kay Angeles.
Ang new coastal resort na itatayo sa Hamilo Coast, timog ng Maynila ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng SMHCC at Shangri-La Group.
Pinagtibay ng mga lider mula sa collaborating entities na ang inisyatiba ay nakatuon sa napapanatili at nature-inspired luxury. Ang proyekto ay nagpapakita ng posibilidad na pag-isahin ang luxury kasama ang responsible tourism. Simulain din ito ng isang bagong yugto na sumasalamin sa diwa ng destinasyon habang umaayon sa mga pangunahing halaga ng kanilang brand.

