Rudolf Golez at Noam Zur magtatanghal sa PPO Concert

Maestro Noam Zur, conductor

Tampok ang pianist na si Rudolf P. Golez bilang soloist ng Philippine Philharmonic Orchestra season concert sa Nobyembre 11, ganap na alas-8:00 ng gabi sa Metropolitan Theater sa Manila.

Para sa konsyerto, si Golez ay magtatanghal ng George Gershwin’s Rhapsody in Blue. Ang iba pang likha na itatampok sa konsyerto ay ang Gioachino Rossini’s The Barber of Seville, Nicanor Abelardo’s Cinderella Overture, at Modest Mussorgsky’s Pictures at an Exhibition.

Pangunahing nagkonsyerto si Golez sa bansa at United States at umaasa na magkaroon ng exposure sa entablado sa capitals sa Europa kahit pa ginagampanan niya ang kanyang obligasyon bilang Dean ng Liceo Conservatory of Music sa Cagayan de Oro. Sinisikap din niyang itala ang kanyang life’s repertoire sa isang CD at maaaring maisama sa instructional material para sa kanyang mga estudyante. Noong 2021, nagtapos siya ng kanyang Doctoral program in piano performance sa Philippine Women’s University.

Rudolf P. Golez, Pianist

Ang konsyerto ay ikatlong handog sa PPO’s 38th concert season na may pamagat na “Metamorphosis” at magpapatuloy sa paghahanap ng PPO para sa bago nitong Music Director.

Tampok sa metamorphosis ang 8 outstanding conductors, lima rito ay shortlisted para sa Music Director position.

Ang guest conductor na si Maestro Noam Zur ang mangunguna sa PPO para sa konsyertong ito. Simula 2017, siya ang principal conductor at artistic director ng State Symphony Orchestra ng Salta, Argentina. Siya ay may higit sa 20 taon ng propesyonal at pagsasagawa ng karanasan kung saan siya ay bumuo ng isang malawak na repertoire in opera, ballet at symphony. Isa rin siyang kompositor at arranger, na naitala ang kanyang sariling mga likha sa “Funkhausorchester des WDR Köln” noong Agosto 2016.

Dahil sa patuloy na pandemya, ang new normal protocol ng CCP ay magpapatuloy pa rin. Pinapayuhan ang bawat isa na magsuot ng facemask sa pagpasok sa lugar at magdala ng vaccination card/certificate (e-copies ay pinayapayagan).  Alamin ang mga ito sa https://bit.ly/CCPNewNormalProtocol2022

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) at sundan ang opiysal na CCP social media accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram for the latest updates.