
Naging kaabang-abang nang husto ang awards night para sa ika-22 edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival noong August 17 sa Shangri-La Plaza sa Mandaluyong City.
Bago pa man magsimula ang program proper nag-akapan na sina Ruby Ruiz (STATUS: REJECTED) at Marietta ‘Pokwang’ Subong (2 VALID IDs) – ramdam ng manonood na isa sa kanila ang magwawagi sa isa sa pinakamataas na pagkilala sa gabing ‘yon. Tunay nga, silang dalawa ang nakakuha ng Cinemalaya Balanghai trophy for Best Performance by an Actress in a Leading Role.
Natatangi ang pagganap ni Subong sa kanyang pelikula dahil naipakita niya nang husto ang tunay na sentimiyento ng publiko sa tuwing kakailanganin ang serbisyo ng pamahalaan – isang malaking paggising ito sa bulok na sistema na nagpapasakit lalo na sa mga mahihirap na mamamayan.
Iba rin ang atake ng pagganap ni Ruiz sa kanyang pelikula. Naipakita niya ang mukha ng tipikal na pamilya at ang malungkot na katotohanan ng buhay ng mga tumatandang magulang sa Pilipinas na naghahanap ng paraan para makawala sa kahirapan at kakapusan ng pagmamahal mula sa pamilya.
Parehas ding nakuha nina Lucas Andalio (MAG-IINA) at K.D. Omalin (HAND OF GOD) ang pagkilalang Best Performance by an Actor in a Supporting Role.
Ibang pagganap ang ipinakita ni Andalio dahil mahusay niyang naililipat ang kanyang mga karakter sa mga nakababahalang bahagi ng mga eksena habang sumasabay sa pag-arte ng ibang mga kapwa artista sa pelikula.
Samantala, si Omalin ay malakas at tunay din ang pag-arte sa kanyang pagganap sa pelikula na sa murang edad ay may hirap nang dinaranas sa gitna ng hidwaang hindi nararapat sa katulad niya.

Mga pinarangalan sa Cinemalaya 2026:
Best Film – MAG-IINA nina Giancarlo Abrahan at Guelan Varela Luarca (Full Length) | SILKSCREEN ni Rey Anthony Villaverde (Short Film)
Best Director – Giancarlo Abrahan, MAG-IINA (Full Length) | Gabriela Serrano, ELENITA ELENA ELAINE (Short Film)
Best Performance by an Actress in a Leading Role – Ruby Ruiz (STATUS: REJECTED) | Marietta Subong (2 VALID IDs)
Best Performance by an Actor in a Leading Role – Martin del Rosario (TAYO LANG ANG NAKAKAALAM)
Best Performance by an Actress in a Supporting Role – Bituin Escalante (A.NI.MÁL)
Best Performance by an Actor in a Supporting Role – Lucas Andalio (MAG-IINA) | K.D. Omalin (HAND OF GOD)
Best Screenplay – MAG-IINA, Guelan Varela-Luarca (Full Length) | RUNO! Lysa Catolico at Jazmine Gin Pateña (Short Film)
NETPAC (Network for the Promotion of Asia Pacific Cinema) Award – STATUS: REJECTED ni Vahn Leinard Pascual (Full Length) | THE RIVER FLOWS IN DIFFERENT PLACES (Short Film) ni Lot-lot Hermosura
Best Editing – A.NI.MÁL, John Rogers
Best Cinematography – TAYO LANG ANG NAKAKAALAM, Adam Dumaguin
Best Production Design – MAG-IINA, Katrish Aristoki
Best Original Musical Score – MAG-IINA, David Yuhico
Best Sound – TAYO LANG ANG NAKAKAALAM, Elian Idioma
Best Ensemble Performance – TAYO LANG ANG NAKAKAALAM, Martin del Rosario, Yayo Aguila, Epi Quizon at Miguel Ordon
Special Jury award – 2 VALID IDs (Full Length) nina Ma-an Asuncion-Dagñalan at Abet Pagdagdagan Raz | PARA-PARAAN (Short Film) ni Mae Chan Li
Audience Choice Award – 2 VALID IDs (Full Length) nina Ma-an Asuncion-Dagñalan at Abet Pagdagdagan Raz | HOY, HOY, INGAT! (Short Film) ni Norvin de los Santos
(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)
