
Ang pagkakaroon ng isang mabuting relihiyon ay maaaring makabuluhang mapahusay ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng framework para sa moral at ethical decision-making. Maraming relihiyosong tradisyon ang naghihikayat sa mga sumusunod na i-cultivate ang virtues tulad ng pakikiramay, katapatan, at pagpapatawad, pagmamahal na maaaring humantong sa mas maayos na relasyon sa iba.
Ang moral compass na ito ay maaaring gumabay sa mga indibidwal sa mga komplikadong buhay, na tumutulong sa kanila na mag-navigate sa mga hamon nang may integridad at katatagan dahil sa pananampalataya. Higit pa rito, ang pakikipag-ugnayan sa isang relihiyosong komunidad ay kadalasang nagdudulot ng pakiramdam ng pag-aari at suporta, na maaaring maging partikular na kapaki-pakinabang sa panahon ng mahihirap na panahon.

Tulad ng LoveWorld Incorporated, kilala rin bilang Christ Embassy, ay isang worldwide ministry na ang misyon ay ipakita ang nature ng Banal na Espiritu at dalhin ang banal na presensya ng Diyos sa lahat ng mga bansa kabilang ang Pilipinas.
Nitong November 30, nagtitipon ang ilang miyembro nito sa pangunguna nina highly esteemed Pastor Joy Amenkhienan, ang LoveWorld International Missions Director for Southeast Asia, Pastor Seyi Adesina, ang Group Pastor Christ Embassy Philippines, at Pastor Daisy Belle Cammado ng Christ Embassy Cavite.
Dito ay pormal na ipinakilala ang kanilang biggest campaign na Reachout World Day with Rhapsody of Realities na gaganapin sa December 2, Lunes. Ang Rhapsody of Realities, mga babasahing may kaugnayan sa Devotional, Meditation, and Study ay mababasa sa iba’t ibang karaniwang lengguwahe kabilang ang Tagalog. May edisyon din ng mga ito ng pambata na The Reason for the Season. Gayundin, kasama sa aktibidad ang sponsorship at distribution ng mga ito.

Sa Rhapsody of Realities, narito ang araw-araw na mga debosyon na inihahandog sa bawat wika sa mundo. Upang matiyak na ang liwanag ng salita ng Diyos ay pumupuno sa buhay ng tao, ang mga ito ay may kasamang bible study plan, panalangin, at isang araw-araw na pagbabasa batay sa Bibliya.
Sa okasyon ding ito ay ibinahagi ang mga testimonya ng tatlo sa kanilang mga miyembro na iniligtas sa gitna ng peligro at iniligtas ng pananampalataya sa Diyos na nagmula mismo sa Rhapsody of Realities.
Nagbahagi rin sa araw na ito ang mga pastor ng Tap2Read bracelets, isang NFC enabled device o pwedeng ma-scan dito ang QR code at magkaroon ng kopya ng Rhapsody of Realities.

Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa Reach Out World-PH sa pamamagitan nina Pastor Seyi Adesina sa email address na seyiades@gmail.com | mobile phone na 0908-6531971 o kay Evelyn Diao sa 0916-2282897 at mag-email sa emceediao@gmail.com



