Rehabilitasyon ng CCP matapos ang 50 taon

CCP Complex
Cultural Center of the Philippines

Limampu’t tatlong taon na ngayong taon ang pangunahing gusali ng Cultural Center of the Philippines na matatagpuan sa Pasay City.

Sa wakas, ang pagpapaganda nito ay matutuloy na at ito ay sasailalim sa tatlong taong rehabilitasyon na nagsisimula na at magtatapos sa 2025.

Ang plano ay nagsimula sa building audit noong 2018 na siyang naging basehan sa kung ano ang kailangang tutukan at ayusin.

“The building audit diagnosed the extent of the repair needed. The evaluation of the data gathering indicated that there are problems with multiple-site damages such as leaks, corrosion and structural weaknesses brought by water seepage, earthquakes and fatigue. Further, we have to update the Center’s fire protection, environmental protection and other building codes,” ayon kay CCP chairperson Margie Moran-Floirendo.

Ayon naman kay CCP president Arsenio J. Lizaso na ang Sentro ay isang pinagmumulan ng pagmamalaki para sa lahat ng mga Pilipino, at isang nagpapakita ng pinakamahuhusay na sining ay kultura ng bansa. Ito aniya ang dahilan para sa matibay na pangangailangan sa pagsasaayos ng CCP.

“The Filipino audience deserves a national center of culture where they can enjoy the arts in comfortable surroundings redesigned for the times. Our artists need new and better stages and venues to showcase and display their talents and abilities. We need venues that can fit more modern productions, as well as globally-competitive staging facilities and equipment. We need training facilities for our actors, dancers and other performers,” ani Lizaso.

Ang kabuuang proyekto ay nagkakahalaga ng tinatayang P950 milyon; P440M na ang nailaan sa unang bahagi, at ang P515 milyon sa ikalawang bahagi na sasakop sa pagsasaayos ng hydraulic pit, ang freight elevators, mga light and sound system para sa mga teatro.

Sa isinagawang Bulawan: Ang CCP 50th Anniversary Gala, pinangunahan ni chairperson Moran-Floirendo ang fund-raising project para sa rehabilitasyon at renobasyon ng mga pasilidad nito, katuwang ang BDO Unibank Inc. na naggarantiya ng gala concert at nag-donate ng unang P1 milyon.

“We’re hoping for additional fundings from the government so we can include other important elements. We envision that when fully-renovated, the CCP Main Building would last for another 50 years,” ani CCP administrative manager na si Teresa Rances.

Ang rehabilitasyon ng proyekto ng Tanghalang Pambansa (CCP Main Building) ay magsisimula sa ikaapat na palapag, roof deck at ang Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theater). Sa susunod na dalawang taon, target ng plano ang ibang mga palapag. Ang pagsasagawa renobasyon ay magpapatuloy, sa itaas at ibabang mga basement hanggang 2025.

“The priority right now is the Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theater). When we installed the new escalators, from the ground to the top floor, we realized that the flooring of the Main Theater lobby escalators is directly connected to the ceiling of the LT backstage. We need to repair the ceiling,” pagbabahagi ni Rances.

Base sa plano, ang Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater) ang siyang huling isasaayos, na magsisimula sa 2024. Kasama nito ang renobasyon ng hydraulic orchestra pit, na hindi pa nababago simula nang ito ay ilagay noong 1969.

Ang freight elevator, na kadalasang ginagamit para magdala ng malakihang sets, mabibigat na kagamitan, at instrumentong musikal na diretso sa entablado ng teatro, ay mababago na rin. Ang mga teatro ay may problema rin sa flooring at wooden planks sa mga dingding na inanay na rin na kailangan nang bigyang pansin.

Mas patitibayin din ang mga pundasyon, ngunit ang kabuuang kondisyon nito ay matibay pa.

“When CCP was built in 1969, they used good construction materials. Even 50 years later, the building has no major structural problems even with major earthquakes and other natural phenomena we have experienced. We might not be able to see underneath the sea level. There are portals that support the CCP building, we can’t go further than that. There are cracks on walls, but the foundation is still stable,” ani pa Rances.

Ipinakita rin sa audit report na mayroong pangangailangan na maayos ang linya ng elekttrisidad at ng drainage system. Ang lumang drainage system ay marami nang pagkasira sa metal na mga tubo.

Plano rin ng Sentro na magtayo ng bagong outdoor cistern tank sa South Parking area para makapagsuplay ng tubig sa Main Building at sa kalapit na Production Design Center (PDC).

Magsusuplay din ito ng tubig sa Fire Protection System, na itatayo sa magkabilaang bahagi na may cistern tank. Makahahatid din ito ng tubig para sa sprinklers. Bagama’t may nakalagay nang foam-type fire system sa mga lugar kung saan matatagpuan ang mga likhang sining upang protektahan ang mahahalagang asset ng CCP.

“Originally, the water source was located at the ASEAN Park. But that became the sewage treatment plant. The CCP worked on it during the pandemic to make sure that clean water goes out to the bay, and whatever we process in the sewage plant can be used to water plants around the complex,” sambit pa ni Rances.

Sa kasalukuyan, ang sewage plant ay konektado sa CCP Main Building at sa PDC. Sa taong ito, layon ng CCP na ikonekta ang Tanghalang Ignacio Gimenez (CCP Black Box Theater) at Finance/Administrative Building sa nasabing mga planta.

Isang bagong linyang elektrikal ang nailagay na, na mula Buendia hanggang CCP, na dadaan sa Liwasang Kalikasan at sa Power Center bago kumunekta sa Black Box Theater.

“Some of these renovations have been done at the height of the COVID-19 pandemic. We have started upgrading our mechanical, electrical, plumbing and fire system. We will also start the structural retrofitting. We start with what we can with the budget that we have,” dagdag pa ni Rances.

Ang ibang naisasaayos na ay ang: pagbabago sa centralized air-conditioning system mula sa single 350-capacity unit hanggang sa six units ng 60-ton cooling units. Napalitan na rin ang glass window panels, gayundin ang mga carpet at marble trims.

Nabago na rin ang fountain. Nakumpuni na rin ang nozzles at fixtures, ang mga ilaw ay napalitan ng LED lights. Ang chandeliers ay sumailalim din sa rehabilitasyon.

“We were lucky to be able to tap the same companies that designed and built the fountain and chandeliers in 1969. When we bid out the fountain renovation, the daughter of the original designer sent their proposal. It was the same with the chandeliers,” saad pa ni Rances.

Sa rehabilitasyon na ito, kinonsidera rin ang kondisyon ng kapaligiran, kabilang na ang mga epekto ng Climate Change. Halimbawa nito, ang dalawang major power banks, gayundin sa generator, na nailipat na mula sa ibabang basement sa bagong Power Center sa South Parking area.

“Because of the Climate Change, the surge of water is quite different now. There was a time when establishments around the complex and along Roxas Boulevard were flooded due to a typhoon. The lower basement is already below sea level, and we anticipate that the water could surge in, reach the power banks and might cause an explosion. By bringing them out, we hope to prevent that kind of problem in the future,” patuloy pa ni Rances.

Ang mga materyales na ginamit sa rehabilitasyon – mula sa uri ng waterproofing, pagpapalit para sa nabubulok na mga parte, uri ng semento, at iba pa – ay inaral at kinonsidera upang maging angkop sa kasalukuyang klima.

“We move slowly but surely. Every detail is being studied, from the materials down to the work itself. We look for the best possible options. Being by the bay in reclaimed lands needs a thorough consideration,” paliwanag pa ni Rances.

Naging posible ang proyektong ito sa pamamagitan ng CCP Board of Trustees sa pamamagitan ng Ad-Hoc Committee on Renovations na pinamunuan ng trustees na sina Stanley Seludo at Marivic del Pilar, at ng Office of the CCP President. Ang Administration Services Department (ASD) ang mangangasiwa sa buong proyekto, at makikipagtulungan sa project management firm na si Oscar R. Ruivivar at Associates at construction company na Vista Green Builders.

Ang Sentro ay pinagpala na mayroong sariling engineering team na nangangasiwa sa ikagaganda ng gusali.

“Our engineers regularly monitor the health of an ageing structure, and we are fortunate that we have an excellent in-house team, project managers, and the contractor who won the bid,” ani Moran-Floirendo.

Sinisiguro ng CCP na nanatiling totoo sa original blueprint ng gusali na disenyo ni National Artist Leandro Locsin.

Habang isinasagawa ang rehabilitasyon, plano ng Sentro na idokumento ang proseso at ibahagi ito sa komunidad, partikular sa mga estudyante ng arkitektura, sa pamamagitan ng iba’t ibang platform.

Ito ay maaaring gamitin bilang sanggunian sa rehabilitasyon ng mga gusaling pamanang arkitektura at iba pang mga kultural na lugar sa bansa. Makatutulong ito sa mga pag-aaral kung paano naaapektuhan ang mga disenyo ng arkitektura ng topograpiya at Climate Change. Magkakaroon ng mga kawili-wiling bagay para sa mga arkitekto, kumpanya ng konstruksiyon at mga mag-aaral.

Umaasa si Lizaso na kapag tapos na ang rehabilitasyon, ang bagong CCP complex ay magiging isang tourist destination, makapang-aakit ng mga tao mula sa buong Pilipinas at mundo. Ito ay magiging self-sustaining, at hindi na mangangailangan ng malaking tulong-pinansyal ng gobyerno.

“In the end, we aim to be at par with theaters worldwide, in terms of technology, space and content. A country’s theater is a landmark. The CCP is the home of the Filipino artists, and it should be a tourist destination. For the artists and cultural workers, the wish list is long. Work and rehearsal spaces are needed. But with the rehabilitated building, we can be at least assured that the structural health of the building will last fifty more years,” pagtatapos ni Moran-Floirendo.