Reconnect muna sa nature, tara sa J’Maire Farm!

Sa kabukiran, siguradong may kasiyahan at katahimikan. Iyan ang hinahanap ng mga tipikal na Manilenyo o ng mga subsob sa trabaho.

Tara sa J’Maire Farm! Reconnect muna tayo sa nature at i-experience ang tranquility na hatid ng rural environment.

Ang J’Maire Farm ay nasa bayan ng Lambunao sa lalawigan ng Iloilo. Kilala ang Lambunao bilang Baguio City ng lalawigang ito kaya asahan na malamig ang klima.

Ang bukirin ay nagtatampok ng iba’t ibang uri ng mga halaman, puno, gulay at iba pa – paanyaya sa mga bisita na magkaroon ng mas malalim na pagpapahalaga sa yaman ng kalikasan.

Nakatutuwa rin na mayroon mga hayop sa paligid tulad ng baboy, kambing, pabo, pato, manok, aso, guinea pig, at iba pa. Kabilang din dito ang mga tilapia, pantat (hito) sa fishpond na nakapalibot sa restaurant kung saan maaari itong bingwitin ng mga dayo.

Mabundok ang lugar pero hindi kayo maliligaw dahil napaka-accommodating ng staff kaya nakaaaaliw pasyalan lalo na kung kayo ay nasa mataas nang bahagi dahil tanaw ang kagandahan ng kalikasan. Dito mas sariwa ang hanging alay ng tipikal na lalawigan habang sinasabayan ng mga ingay ng mga hayop.

Handa rin ang farm sa pag-service sa iba’t ibang event tulad ng birtday, debut, wedding, corporate event o private gathering.

 

Putaheng farm-to-table

Dagdag-kasiyahan din sa mga dayo ang ipinagmamalaking farm-to-table principle ng J’Maire Farm.

Ang mga alagang isda, manok, pato at iba pa ay bahagi ng ilan sa sariwang iniluluto nilang mga putaheng lokal. Ganoon din sa mga pananim na mga gulay. Matitikman ang naiibang sarap ng kanilang tinolang manok, pato tim, crispy pata, at iba pa na hindi mahihindian.

Simulain ng J’Maire Farm

Ang J’Maire Farm ay pinamamahalaan ng limang magkakapatid, lahat ng pangalan ay nagsisimula sa letrang “J” (pati ibang mga kaanak). Bukod dito, ang pagdaragdag ng isang pinsan na may pangalang “Maire” ay nagbigay-inspirasyon para mabuo ang “J’Maire” Farm.

Dahil sa takot ng kanilang nanay (ang main financial backer) at tita sa posibleng kakulangan ng mga suplay gaya ng mga pagkain, dahil panahon ng pandemya dala ng COVID-19, bumili sila ng lupain na may sukat na wala pang isang ektarya. Tinaniman nila ito ng iba’t ibang halaman at fruit-bearing trees gaya ng saging, papaya, santol, at iba pa.

Naisipan din ng pamilya na gawing bahay-bakasyunan ang lugar at isa sa mga unang itinayo ang Villa 1 na nasa itaas na bahagi ng lupain na may swimming pool pero wala naman talagang madalas namamalagi rito. Hanggang sa humuhupa na ang epekto ng pandemya, naisipan na lamang na gawin ding resort ang farm.

Nang lumawak ang plano at nakapundar na ng 2.7 ektarya, opisyal na nagbukas sa publiko ang J’Maire Farm noong December 20, 2022 bilang isa ring resort.

Sa panayam sa suvervisor ng nature getaway na si Jiai Mae Estoesta, umabot sa P11 milyon ang ginastos para sa farm dahil nagpatambak din sila ng lupa at gumawa ng sariling daan patungo rito.

Sa ngayon, patuloy pa ring pinagaganda ang J’Maire Farm upang higit pang mapakapagserbisyo sa mga dumarami nitong turista.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)

**********

Entrance Fees

Entrance: Adults ₱50 | Kids ₱30
• Swimming: Adults ₱80 | Kids ₱50

Daytime Cottages

• Open Cottage (9–12 pax) — ₱700
• Open Cottage (12–15 pax) — ₱900
• Big Cottage (15–20 pax) — ₱1,500
• Kalesa Tables & Chairs (3–6 pax) — ₱350
• Cottage with Room (3–6 pax) — ₱700
**inclusive of 10 minutes Kayak for 2 pax**

Overnight Rooms

Deluxe Room (2 pax) — ₱2,000
• Deluxe Room (4 pax) — ₱4,000
• Family Room (4 pax) — ₱3,000
• Barkada Room (8-10 pax) — ₱4,000
**inclusive of entrance, swimming and breakfast**

Rooms

Villa 1: Deluxe Room, Family Room, Barkada Room at KTV Room. Capacity: Up to 15pax. The entire villa is available for rent for PHP 12,000.

Villa 2: Available only for whole rental, also accommodating up to 15 guests, at a price of P12,000.

Meals

Pinoy Breakfast: P185 to P235
American Breakfast: P155
**Other foods also available**

Corkage fee
Feel free to bring your own food and drinks without paying additional fee. Corkage fee is only for whole lechon, beer, and hard drinks.

Cottages
• Open cottages from P700 (9-12 pax) to P900 (12-15 pax)
• Closed cottage P1,200 (12-15 pax)
• Big cottage P2,500 (20-25 pax)
• Kalesa tables and chairs P350 (6-8 pax)
• Cottage with room P700 (6-7 pax, daytime) and P1,300 (2-4 pax, overnight)

Amenities & Activities
• Swimming Pools
• Kayaking
• Fishing
• Bonfire & Camping
• Billiards & KTV
• Volleyball/Badminton Court
• Children’s Playhouse
• Restaurant & Dining

J’Maire Farm
Brgy. Sibaguan, Lambunao, Iloilo
Contact details: 0916 644 7229 | 0993 890 0360