‘Bukarot’ nanganganib maubos; kailangan ng proteksyon

Philippine Crocodile Conservation Center handang rumesponde

Si Fernando, ang nag-iisang lalaki sa tatlong adult Philippine crocodiles na nasa pangangalaga ng Philippine Crocodile Conservation Center sa loob ng Isabela State University - San Mariano Campus. (Kuha ng Bilibb)

Ang “bukarot” ay salitang Ilokano, Yogad, at Ibanag na ang ibig sabihin ay Philippine Crocodile. Tuklasin natin ang uri nito na matatagpuan sa San Mariano, Isabela sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

The Philippines, being an archipelago with more than 7,000 islands, is one of the 17 mega-biodiverse countries in the world due to its extraordinary levels of biodiversity and endemism. Mega-diverse countries are classified due to their high number of endemic species (species found in one geographical location only) and non-endemic species. So aside from the people visiting the Philippines due to its unparalleled tourist destinations, other species seem to find our lush nature to be enticing as well.

 

Dalawang uri ng buwaya sa Pilipinas

Dalawa ang uri ng buwayang makikita sa bansa, ang Crocodylus mindorensis at ang Crocodylus porosus.

Ang Crocodylus mindorensis ay ang Philippine crocodile o bukarot na bibihira, nanganganib ngayon at nangangailang ng proteksyon dahil kaunti na lamang ang mga ito.

Crocodylus mindorensis ang scientific name dahil una itong nakita sa isla ng Mindoro noon. Ang mga ito ay makikita sa mga tubig-tabang na ilog, lawa, at latian (marshes).

Ang maliit na populasyon ng mga bukarot ay nasa Dunoy Lake sa San Mariano sa lalawigan ng Isabela.

Ang ikalawang uri ay ang Crocodylus porosus.

Noong 2011, naiulat ang Pilipinas sa buong mundo dahil kay “Lolong”, isang buwaya na natagpuan sa Bunawan, Agusan del Sur.

Si Lolong ay isang saltwater crocodile na may haba na 6.17 metro at bigat na 1,075 kilo; hindi karaniwan ang laki nito kung kaya’t kinilala rin siya ng Guinness World Records bilang “Largest Crocodile in Captivity Ever”. Ngunit si Lolong ay hindi “endemic” sa Pilipinas – naninirahan ang kanilang species, Crocodylus porosus, sa Pilipinas ngunit mahahanap rin sila sa ibang mga bansa. Nakikita ang mga ito sa mga dagat, estero, latian, at iba pang klase ng tubig-alat.

In the municipality of San Mariano in Isabela, one will find the Philippine Crocodile Conservation Center (PCCC), which is managed by the Mabuwaya Foundation, a non-profit organization. The foundation, which is located inside Isabela State University – San Mariano Campus, has the goal of conserving the Philippine crocodile with the help from the local communities.

According to the conservation center, the estimated population of this species in the wild is 100 or lower, and there are only two locations where this crocodile can be found: North Luzon (specifically in Isabela) and Southwest Mindanao.

Many people aren’t familiar with the fact that the Philippines houses two species of crocodile, hence the misconception that all of them are dangerous. The saltwater crocodile can be considered as vicious as they attack humans, but the Philippine freshwater crocodile does not – unless provoked. Due to this, Filipinos used to “protect” themselves by hunting and killing these crocodiles. Aside from the peace of mind it brought, they also used the skin and meat for consumption. Currently, crocodiles are protected under the R.A. 9147 or the Wildlife Resources Conservation and Protection Act approved in 2001 so hunting them is illegal.

Sa pananakit at pagpatay sa mga bukarot ay may katapat itong multa mula P100,000 hanggang P1 milyon at/o pagkakakulong mula anim hanggang 12 taon.

Sa pagtungo sa PCCC noong Enero, karangalan na makaharap naming taga-media ang mga opisyal ng Mabuwaya Foundation na sina wildlife biologist Dr. Merlijn van Weerd, bilang co-founder and Executive Director, at Marites Balbas bilang Chief Operating Officer.

Si Dr. Merlijn van Weerd, co-founder and Executive Director ng Philippine Crocodile Conservation Center, habang tinatalakay sa media ang halaga ng bukarot o Philippine crocodile na kanilang inaalagaan. (Kuha ng Bilibb)

 

Pagkakaiba ng Crocodylus mindorensis at Crocodylus porosus

Crocodylus mindorensis – freshwater crocodiles

Sukat:

Ang tipikal na adult size ng bukarot ay two meters (78.74 inches) at ang maximum na laki nito ay umaabot sa tatlong metro.

Pagkain:

Kumakain ng maliliit na ibang hayop gaya ng ibon, isda, aso, daga, at baboy

Mapanganib ba?

Less dangerous kumpara sa Crocodylus porosus. Mahiyain ang mga bukarot at hindi nangangagat ng tao nang walang dahilan.

 

Crocodylus porosus – saltwater crocodiles

Sukat:

Ang tipikal na adult size nito ay six meters at ang maximum na laki ay umaabot sa mahigit anim na metro.

Pagkain:

Kumakain ng mga alimango o crustaceans, ahas, pagong, baboy ramo, unggoy. Minsan ay nakain din ng tao.

Mapanganib ba?

Delikado lalo para sa mga tao

 

Paano nabuo ang Philippine Crocodile Conservation Center?

Nakarating at nanirahan ang Dutch na si Dr. Merlijn van Weerd sa Pilipinas noong 1999. Sa pag-aaral nito sa kapaligiran ng bansa ay sinimulan niya at ng kanyang kasamahan ang Mabuwaya Foundation 2003 sa pagkakaroon ng Philippine Crocodile Conservation Center (PCCC) upang maproteksyunan ang mga bukarot sa bansa. Sa unti-unting pagkaubos ng mga bukarot ay handa naman lagi ang PCCC na rumesponde para rito.

 

Halaga ng mga bukarot sa kalikasan

Ang mga bukarot ang nagsisilbing predators o protector ng wetland ecosystems para mapanatili ang pagiging sariwa ng mga isda. Mga bukarot ang kumakain sa mga luma o may sakit nang isda na peligroso sa iba. Kumakain din ang mga bukarot ng mga daga at kohol na namemeste sa mga pananim ng mga magsasaka.

Ang mga batang bukarot na malapit nang pakawalan mula sa pangangalaga ng Philippine Crocodile Conservation Center sa San Mariano sa lalawigan ng Isabela. (Kuha ng Bilibb)

 

Pag-aalaga sa mga bukarot

Ang Philippine Crocodile Conservation (PCCC) ay mayroong headstart program kung saan tumutulong ito sa pagpaparami ng bilang ng bukarot sa bansa.

Karaniwan, ang isang Philippine crocodile ay nakakapagsilang ng 25 na itlog, ngunit hindi lahat ng mga ito ay nabubuhay dahil sa mga likas na pangyayari gaya ng malakas na agos ng tubig at ibang hayop na bumibihag dito.

May mga tauhan ang PCCC na naghahanap ng pugad ng buwaya sa sanctuary o sa karaniwang mga tirahan, mamarkahan at babantayan ang mga ito sa loob ng 60-90 days.

Ang  “hatchlings” sa Philippine Crocodile Conservation Center – San Mariano Campus sa lalawigan ng Isabela. Kapag ang mga ito ay tumungtong ng edad na 2 taon, ang mga ito ay pakakawalan na upang mabuhay nang likas. (Kuha ng Bilibb)

Kapag napisa na ang mga itlog at lumabas na ang mga bagong silang ay agad itong dinadala sa PCCC upang higit na maproteksyunan. Kasama sa programa ang maturuan ang mga batang bukarot kung paano kumuha o makahanap ng kanilang makakain.

Makalipas ang dalawang taon, kung saan kaya nang mga nila mabuhay nang mag-isa, sila ay pinapakawalan at ibinabalik sa wild areas upang mamuhay gaya ng normal na buwaya.

Bukod dito ay mayroon pang ibang programa ang PCCC upang maparami ang bilang ng mga buwaya at alagaan ang mga likas na tahanan ng mga ito.

Sa kasalukuyan, nag-aalaga ng tatlong adult Philippine crocodile ang PCCC na gagamitin din sa pagpaparami ng bilang ng populasyon nito. Layunin din ng pasilidad na buksan ito sa publiko upang maipakalat ang tamang impormasyong hinggil sa mga hayop na ito.

 

Ang harapan ng Philippine Crocodile Conservation Center sa San Mariano, Isabela at ang estatwa ng Philippine Crocodile na si “Krokoy”. (Kuha ng Bilibb)