
Inihayag ngayon ng pamahalaan ng Quezon City (QC) ang pagpapakilala ng tatlong makabagong inisyatiba sa kaligtasan sa kalsada na naglalayong pahusayin ang proteksyon sa mga residente mula sa mga pinsala at pagkamatay na may kaugnayan sa trapiko.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng pakikipagtulungan ng lungsod sa Partnership for Healthy Cities, isang pandaigdigang koalisyon na binubuo ng mahigit 70 lungsod na nakatuon sa pagtugon sa mga hindi nakahahawang sakit at pinsala.
Ang mga bagong ipinatupad na hakbang ay kinabibilangan ng: (1) Implementation Rules and Regulations (IRR) para sa Comprehensive Road Safety Code; (2) Safe School Zone Ordinance; at (3) Executive Order na nagtatatag ng Quezon City Road Safety Working Group (QC-RSWG).
“We wil continue working to ensure that everyone is safe on QC roads. We are also proud that Quezon City has prepared for this next phase by training assessors who will help conduct school road safety audits and identity opportunities for road safety engineering interventions,” ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.
Batay sa talaan ng Metropolitan Manila Development Authority, ang QC ay may mataas na bilang ng road crash incidents sa local government units sa Kalakhang Maynila.
Noong 2018, ipinatupad ng QC ang Comprehensive Road Safety Code upang pahusayin ang kaligtasan at kalusugan ng mga kalsada nito. Ang ordinansang ito, na kauna-unahan sa ganitong uri sa Pilipinas, ay gumagamit ng Safe System Approach, isang pandaigdigang kinikilalang balangkas para sa kaligtasan sa kalsada na binibigyang-diin ang disenyo ng mas ligtas na mga sistema ng kalsada upang mabawasan ang anumang disgrasya. Kasunod ng kamakailang pag-apruba ng mga IRR nito, ang patakaran ay handa na para sa koordinasyon, at patuloy na epektibong pagpapatupad.
Minamandato ng ordinansa ang mas ligtas na limitasyon sa bilis, pinahusay na mga pasilidad para sa mga pedestrian, at mas mahusay na pamamahala ng trapiko malapit sa mga paaralan. Tinalakay ni Dexter Cardenas mula sa Traffic and Transport Management Department ang pagbuo ng IRR para sa Road Safety Code at ang paglabas ng isang Executive Order na nagtatatag ng QC-RSWG. Ang grupong ito ang mangangasiwa sa pagpaplano, pagpapatupad, pagmamanman, at pagsusuri ng Road Safety Action Plan ng Lungsod at mga kaugnay na inisyatiba upang mapabuti ang kaligtasan sa kalsada.
“We commend the Quezon City Government for continuously championing safer roads for all. As a pioneer in enacting a comprehensive road safety code, we hope that Quezon City inspires more cities and municipalities to do the sare,” ani Atty. Sophia San Luis, Executive Director ng public interest law group ImagineLaw.
